Ina Raymundo declines modeling job for son Jacob

Ina Raymundo says her son has no interest in modeling for now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/31/2016 12:46 AM
Ina Raymundo declines modeling job for son Jacob


033016-InaRaymundo_PUSH.jpgIsa sa pinakaseksing aktres sa showbiz kahit pa may edad na at mga anak ay si Ina Raymundo. Pero alam ba n’yo na naging problema ng original na Sabado Girl ang butt niya noon?

“Wala kaya akong puwet nu’ng dalaga ako. Sobrang flat niya. Mas meron ako (puwet) ngayon kasi nagwu-workout na ako,” pagre-recall ng aktres.

“Pero talagang hindi ako naturally well endowed there. So, halimbawa sa Instagram may nag-post na sinasabing I have great body pero wala raw akong butt you need to do more squats.

“Sabi ko sa kanya, ‘Girl, you should have seen my butt when I was single, it was super flat.’ Sabi ko pa, I’m happy with what I have considering that I’m 40 and I have five kids.”

Pinayagan na nga ba niyang mag-showbiz ang anak niyang lalaki na si Jacob who is now 11 years old?

“Hindi. Alam mo, active siya sa sports (baseball), ang dami niyang fans. Kahit saan siya pumunta mina-mob siya, pinagkakaguluhan siya ng mga babae... alam mo yon?

“Kinukuha lang siya for modelling, pero ako, I’m waiting for the right project. At saka siya, ayaw niya pa kasi, eh.

“Meron siya dapat gagawin, na-approve na siya. Ayaw niya, nagmamakaawa siya, ‘I don’t want to do it.’ Kasi pambata yung bag, parang ganu’n. Ayaw niya kasi baka nga naman pagtawanan siya. Ayaw niyang magsuot ng mga pambata na aalaskahin siya, di ba?

“So na-approve na siya as in meron ng... sabi niya, ‘Mom, please, please, I don’t want to do it. Why can I just wear a normal bag? Why does it have to be like that?’ Naawa naman ako kaya sinabi ko na ayaw niyang gawin,” she said.

Natanong na rin namin si Ina kung naka-experience na rin ba siyang matarayan ng mga artistang nakatrabaho niya sa taping and she said, meron na raw.

“Hindi ko sasabihin kong sino, pero na-off lang ako don sa veteran actress na yon kasi yosi siya nang yosi. Eh, nasa isang room kami na walang bintana, can you imagine? Tapos may mga bata pa at 10 kami sa room ha.

“My God, nagyoyosi ka walang bintana tapos wala kang pakialam sa mga kasama mo. Tapos hindi siya nagki-kiss, hindi rin siya bumebeso, parang wala talaga siyang pakialam sa paligid niya,” kuwento pa niya.

Sabi pa ng aktres, when she was still young, marespeto raw siya sa mga katrabaho niya.

Charming ako non, very sweet. I’m a lola’s girl kaya sobrang marespeto ako sa mga matatanda. I really like hanging out with the senior stars. Hindi ako disrespectful at all,” pagmamalaki pa ni Ina.

Photo credit to Ina Raymundo's Instagram account