• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlos Agassi admits he’s not as he used to be and can no longer do the same workout routines.

Carlos Agassi says he has adjusted his workout routine for his age

Carlos Agassi admits he’s not as he used to be and can no longer do the same workout routines.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/31/2016 09:53 AM
Carlos Agassi says he has adjusted his workout routine for his age
033116-CarlosAgasi_PUSH.jpgSi Carlos Agassi ang bagong endorser ng The Factory, bagong concept ng gym at physical fitness gaya ng mixed martial arts, boxing at yoga. Sa opening ng branch nito sa Jupiter Street sa Makati, ibinahagi ni Carlos na naga-adjust na rin ang kanyang workout routine dahil hindi na siya bata at iba na ang needs ng kanyang pangangatawan sa kanyang present age.

"Hindi naman tayo forever bata like noong bata ako kaya ko mag basketball ng limang oras, kaya ko makipag-habulan ng limang oras, kaya ko mag-taping ng tatlong araw walang tulugan. Ngayon hindi ko na kaya kapag dalawang araw na taping or nag-basketball ako ng tatlong oras. Masakit na ang tunod ko so ikaw na mismo hindi mo na kaya mag over train kasi ikaw na mismo gusto mo magmadali."

Nilinaw din ni Carlos na never siyang gumamit ng steroids para mas ma-enhance ang kanyang pangangatawan gaya ng matagal ng issue sa kanya.

"I’ve never tried it. I have nothing against it. Kumbaga ako sapat na ako sa itsura ko sa nagagawa ko sa gym pero baka sa ibang tao kailangan nila."

Sa kanyang edad na 36, thankful si Carlos na mayroon pa rin siyang assignments sa showbiz at madalas daw siyang type-casted sa characters na kailangang magpakita ng skin dahil sa kanyang built. Pero sana daw mas lumawak ang offers sa kanya.

"Sa itsura ko nga ngayon nata typecast na ako as incredible hulk so kapag nag steroids pa ako ang laki na so hindi na kailangan. Lalo na ngayon na 36 na ako ang importante sa akin iyung function ng body ko iyung muscle and mind coordination at nagmumukha kang youthful," pagtatapos ni Carlos.