• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty queens Bianca and Katherine Manalo help their younger sister Nichole who is a Binibining Pilipinas candidate this year.

Bianca and Katherine Manalo show support for sister Nichole for Binibining Pilipinas

Beauty queens Bianca and Katherine Manalo help their younger sister Nichole who is a Binibining Pilipinas candidate this year.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/31/2016 09:54 AM
Bianca and Katherine Manalo show support for sister Nichole for Binibining Pilipinas
033116-ManaloSisters_PUSH.jpgSa presentation of candidates ng 2016 Binibining Pilipinas na naganap noong March 29, present ang magkapatid na beauty queens na sina Bianca at Katherine Manalo. Ito ay para bigyan suporta ang kanilang bunsong kapatid na si Nichole Marie Manalo na candidate #28 sa apatnapung mga kandidata. Kuwento ni Bianca, mas kabado sila magkapatid habang pinapanood si Nichole.

"Magkahawak kami ng kamay mas nakakakaba pala kapag kapatid mo ang pinapanood mo kaysa ikaw mismo ang kasali."

Si Katherine daw ang hands-on sa pagte-training ni Nichole.

"Basta ang lagi ko sinasabi sa kanya ano man ang maging resulta, we are with her all the way."

Matatandaan na lumaban sa Miss World pageant noong 2002 si Katherine at napasama sa top ten at si Bianca naman ay lumaban sa 2009 Miss Universe pageant.

Kuwento pa ni Bianca, hindi rin daw malayo na pasukin din ng kanilang kapatid na si Nichole ang showbiz kung mabibigyan ng pagkakataon.