• Home
  • Fresh Scoops
  • Edward Benosa will be playing all requests for his concert ‘Most Requested.’

Edward Benosa to stage first birthday concert

Edward Benosa will be playing all requests for his concert ‘Most Requested.’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/30/2016 10:37 AM
Edward Benosa to stage first birthday concert
033016-EdwardBenosa_PUSH.jpgIsang taon na sa showbiz ang gwapong balladeer na si Edward Benosa at isang espesyal na intimate concert ang kanyang pinaghahandaan sa Teatrino Greenhills sa April 16. Most Requested ang title ng kanyang unang concert dahil kakantahin dito ni Edward ang lahat ng mga hiling sa kanya na kantahin noon pa man. Aminado si Edward na abot abot ang kanyang kaba sa peoject na ito.

"Grabe po ang pressure nakakakaba kasi po una isang taon na ako sa showbiz tapos birthday ko pa. Kapag naitawid ko, ito ibang confidence na ang makukuha at matarandaman ko."

Promising ang career ni Edward na nanalo bilang Best New Artist sa 2015 Star Awards for Music. Ilang buwan na rin daw pinaplano ang concert na ito ayon na rin sa manager ni Edward na si Arnold Reyes.

Bukod sa pagkanta, plano na rin pasukin ni Edward ang musical theater at isang major stage musical ang kanyang sasalihan pero ayaw nya muna ipasabi para sorpresa daw ito sa kanyang fans.

Ididirek ang concert ni Frank Lloyd Mamaril at si Marvin Querido ang Musical Director. Makakasama naman ni Edward sa concert sina Morisette Amon at DJ Chacha.