• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice says this is the hardest thing he has done for the director.

Vice Ganda gives emotional eulogy for director Wenn Deramas

Vice says this is the hardest thing he has done for the director.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/04/2016 12:33 AM
Vice Ganda gives emotional eulogy for director Wenn Deramas
030316-vice2_main.jpg
Kanina sa wake ng namayapang direktor na si Wenn Deramas sa Arlington Chapels, nagkaroon ng simpleng programa na binuo ng mga malalapit na kaibigan at naka trabaho ni Direk Wenn. Kabilang ang aktres na si Karla Estrada, Star Music Executive at matagal ng kaibigan ni Direk Wenn na si Roxy Liquigan at nagbigay din ng awitin sina KZ Tandingan at Angeline Quinto.

Pero ang nakaka-antig sa lahat sa kabuuan ng programa ay ang pagsasalita ni Vice Ganda na lahat ng mga pelikulang nagawa ay sa ilalim ng direksyon ni Wenn Deramas.

"Sabi nila sa akin gawin ko lang daw light ito. Hindi ko alam kung paano kasi iniisip ko pa lang na wala ka na hindi ko na alam ang gagawin ko," panimula ng komedyante. 

Bilang bida sa mga pelikula ni Direk Wenn, sinabi pa ni Vice kung ano ang pinaka mahirap nito na ipinagawa sa kanya.

"Nag-apat na mukha na ako sa "Girl, Boy, Bakla, Tomboy" at kung ano-ano pa. Pero ang pinaka-mahirap yung ako ang kailangan pumili ng kabaong na gagamitin niya at yung damit na isusuot nya."

Naibahagi pa ni Vice ang mga pelikula na plano sana nila gawin magkasama ni Direk Wenn. 

"Paano na natin gagawin yung pangarap mo na maging Darna rin ako? Plano po namin gawin ang "Darna na si Ding" kumbaga naging bading na si Ding noong malaki na siya," kwento pa ni Vice. 

Nagtapos ang eulogy ni Vice sa isang madamdaming tula na nagsabing, "Mahirap gumawa ng tula kung alam ko na wala ka na at 'di na kita makikita." Di mapigilan ang pagluha ni Vice para sa kanyang kaibigan at direktor na mananatiling buhay sa puso at isipan niya.