• Home
  • Fresh Scoops
  • Sheryl Cruz and Meryll Soriano share their fond memories of director Wenn Deramas.

Sheryl Cruz and Meryll Soriano thank director Wenn Deramas

Sheryl Cruz and Meryll Soriano share their fond memories of director Wenn Deramas.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/03/2016 09:40 AM
Sheryl Cruz and Meryll Soriano thank director Wenn Deramas
030316-sherylmeryl_main.jpgBukambibig ng mga personalidad sa wake ng namayapang direktor na si Wenn Deramas ang kabaitan nito at pagbibigay ng break sa showbiz. Dalawa ang mga aktres na sina Sheryl Cruz at Meryll Soriano sa nagbahagi ng kanilang istorya kasama si Direk Wenn at kung paano ito nakatulong sa kanila.

Para kay Meryll, mahihirapan daw siya na maka move on dahil malalim ang kanilang pagkakaibigan ni Wenn.

"We’re still in denial now although medyo ‘di na ako umiiyak ngayon. Kahapon kasi state of shock. Talagang ‘di ako maka-function the whole day and it helped na nandito ako ngayon magkakasama kami."

Si Sheryl Cruz naman, ang pagiging magulang ni Wenn ang kanyang hinahangaan dahil kahit busy sa kanilang mga trabaho ay di ito nawawalan ng oras sa kanilang mga anak.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na he is gone. Kailan lang magkakasama kayo nagse-celebrate ng birthday ng mga anak birthday nIya or meron happening. When I told my cousin about him si Sunshine (Cruz), she was in shock."

Hindi daw makakalimutan ni Meryll ang phase sa kanyang career na walang kumukuha sa kanya dahil alanganin o awkward ang kanyang edad. Si Direk Wenn daw ang nakipag-laban para maisama siya sa mga projects nito noon.

"Si direk Wenn talaga ipinaglaban ako eh. He personally told me na sana ‘I really wanted you to do the show.’ Yun ang crossover ko from puberty to mature roles. He really believed in me. I really owe him a lot."

Ang masasayang kuwentuhan naman sa taping ang di makakalimutan ni Sheryl lalo na ng magkasama sila sa teleseryeng Galema.

"Sa taping ng Galema, nakakatuwa yan kapag gusto niya makipag kwentuhan. Kahit magtatawag na si direk Allan na assistant nya patuloy pa rin ang kuwentuhan. Yung camaraderie and his love to the whole crew hindi lang sa artista kundi sa maliliit na tumutulong sa amin lahat yun binibigyan nya ng halaga at respeto nya," pagtatapos ni Sheryl.