• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano has his own idea to honor director Wenn Deramas.

Luis Manzano reveals plan for Wenn Deramas tribute

Luis Manzano has his own idea to honor director Wenn Deramas.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/03/2016 10:00 AM
Luis Manzano reveals plan for Wenn Deramas tribute
030316-luis_main.jpgIsang kakaibang plano ang nasa isip ni Luis Manzano para bigyang tribute ang namayapang direktor na si Wenn Deramas na nakasama niya sa maraming teleserye at pelikula. Kabilang sa listahan ang mga pelikulang Moron Five at Moron 5.2 na sequel ng proyekto.

"I try to remember all the roles na ginawa ko na magkakasama kami. I’d like to make Moron Five doll at magkakasama kami superheroes ng 5.2 in full costume. Magsama-sama kami saying ‘we love you momskie’ gusto namin gawin lahat yun as tribute to the captain of the ship, our momskie."

At dahil malapit na magkaibigan sina Luis at Direk Wenn, nagbigay trivia pa si Luis kung paano mag-trabaho ang pumanaw na filmmaker.

"He rarely used a script. Minsan magsusulat siya ng script pero bigla mapapalitan lahat on the spot, magiging dictation na lang lahat. Second, hindi siya pwede magsulat ng script. Dapat yellow pad with red ink na sign pen all the time as in close to ‘bahala kayo hindi ako magsusulat.’"

Mahirap daw maka move on lalo na kung malalim ang pagkakaibigan na pinagsamahan nyo pero ayon kay Luis, mananatiling buhay ang alaala ni direk Wenn sa kanyang puso.

"There’s still a bit of me na in denial na I can no longer see and talk to my momskie. Mas in denial obviously kahapon kumbaga when I first heard the news, tinanggap ko agad. Ganun kadali pero by 11 am I was crying on my own," pagtatapos ni Luis.