EXCLUSIVE: McCoy de Leon is ready for bashers because of his tandem with Maris Racal

McCoy de Leon says he will do his best to make fans happy.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/03/2016 09:38 AM
EXCLUSIVE: McCoy de Leon is ready for bashers because of his tandem with Maris Racal
030316-mccoy_main.jpgNag-start lang dati bilang talent noong 2012 sa daytime series na Be Careful With My Heart si McCoy de Leon pero ngayon ay member na siya ng Hashtags na regular na sumasayaw sa It’s Showtime at kasama pa sa bagong teleserye ng ABS-CBN na We Will Survive.

Ayon sa kuweto ni McCoy, si Marlo Mortel ang dahilan kung bakit siya napunta sa showbiz.

“Napunta po ako sa Be Careful With My Heart kasi nagti-theater po ako, si Marlo Mortel nagti-theater din po, same po kami. Sa parents ko po yung theatre na yon.

“Hanggang sabi ni Marlo, ‘Bro mayroon ka bang kilalang ganyan (talent), puwede ka ba?’ Hanggang tintry ko po at nagustuhan po nina Direk at buong GMO unit, tapos dire-diretso na po. Nasuwertehan lang po awa ng Diyos,” simulang kuwento ni McCoy sa Push.com.ph.

Pagkatapos ng Be Careful With My Heart ay halos two years ding nabakante si McCoy at habang wala siyang ginagawa ay nag-concentrate muna siya sa pag-aaral.

“Pagtapos ng Be Careful aral-aral muna. Civil Engineering po ang course ko sa Mapua. Actually, kahit naman po nagbi-Be Careful ako, nag-aaral din ako non,” dagdag pa niya.

Eh, ano ba ang feeling na mula sa pagiging talent, unti-unti na siyang nakakagawa ng pangalan ngayon?

“Actually, di ko po expected talaga na mabibigyan ako ng role sa showbiz. Ang gusto ko lang po talaga noon ay makatapos, maging engineer, yon talaga yung pangarap ko. Hanggang eto na po.

“Nagustuhan ko naman po ang showbiz, napamahal na rin sa akin. Gina-grab ko lang po yung mga opportunities na dumadating pero hindi ko pa rin po iiwan ang studies ko,” rason ng binata.

Eh, sa tambalan nila ni Maris Racal sa We Will Survive, ano naman ang masasabi niya?

“Sobrang masaya po ako kasi si Maris, hindi siya yung iba sa akin. Kumbaga, friend ko siya, ka-workshop ko, masayang katrabaho at magaan. Tsaka si Maris, natural lang ding kasama... masaya, masaya,” he said.

Ka-love team dati ni Maris si Manolo Pedrosa kaya tinanong na rin namin siya kung paano niya pinaghahandaan ang pamba-bash ng MarNolo fans.

Sabi niya, “Ita-try din lang namin. Hindi pa namin alam kung ano yung magiging resulta, kung magkiklik ba sa tao kaya humihingi din ako ng tulong na sana suportahan nila kami.

“Pero gagawin din namin yung best namin para maibigay yung kilig sa kanila at sana madagdagan pa.

“Kay Manolo, kaibigan ko si Manolo, pero siyempre, binigay sa akin tong project na to, ipinagkatiwala sa akin at gagawin ko nang buong-buo.”

May mensahe ba siya sa fans nina Manolo at Maris?

“Siguro naman po, kung may mamba-bash tatanggapin ko po yon kasi siyempre ayun po yung nararamdaman nila, si Manolo yung sinusuportahan nila, wala po akong magagawa don kaya okey lang po.

“Pero ita-try ko din sialng pasayahin or maging masaya din sila for Maris, gagawa din ako ng way para mapasaya sila,” sey pa ni McCoy.

Samantala, hindi naman nakaramdam ng insecurity si McCoy kahit pa siya ang pinakamaliit sa Hashtags.

“Meron nga pong nagsasabi sa akin na ‘maliit yan, hindi mo alam kung kanino ipe-pair yan.’ Actually, ako yung pinakamaliit sa Hashtags, pero masaya pa rin ako kasi kahit maliit lang ako, sabi nga ni Ate Vice (Ganda), malaki  naman yung hakbang ko sa pangarap ko,” pagtatapos ni McCoy.