• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress reacts on her son’s rescue of a child in an accident last Easter Sunday.

Nora Aunor is proud of son Ian De Leon for helping a child

The actress reacts on her son’s rescue of a child in an accident last Easter Sunday.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/30/2016 02:47 AM
Nora Aunor is proud of son Ian De Leon for helping a child

032916-noraian_PUSH.jpgIsang proud na ina ang magaling na aktres na si Nora Aunor ng magbigay reaction sa Good Samaritan act ng kanyang anak na si Ian De Leon. Nag trending sa social media ang pagtulong ni Ian sa sa isang sampung taong gulang na batang lalake noong Linggo na nabundol ng isang motorsiklo. Dinala ng aktor ang bata sa pinaka malapit na ospital at tumulong pa sa paghahanap sa suspek.  

"Sobrang masaya at proud ako sa ginawa ng aking anak, siyempre bilang isang ina para sa akin isang bayani ang anak ko sa pagtulong na kanyang ginawa," sabi ng Superstar.  

Sa kabilang banda, naikuwento rin ni Ate Guy na medyo tulala pa siya ngayon dahil kasalukuyan pa rin naka-confine sa ospital ang kanyang kapatid na si Eddie Boy.


Bida si Ate Guy sa pelikulang Whistleblower, na isang political thriller kasama sina Cherry Pie Picache at Angelica Panganiban. Ang pelikula ay binigyang direksyon ni Adolf Alix.

Ipapalabas ang pelikula sa April6 at ipinagmamalaki ng cast na timing sa nalalapit na elections at mga issue sa pamahalaan ang tema ng kanilang pelikula na plano rin dalhin at ipalabas sa iba’t ibang bansa.