• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca admits that he and his co-workers have talked about how video scandals could have possibly been leaked.

Jake Cuenca on possible video scandal: ‘It’s not my thing’

Jake Cuenca admits that he and his co-workers have talked about how video scandals could have possibly been leaked.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/29/2016 10:01 AM
Jake Cuenca on possible video scandal: ‘It’s not my thing’
032916-JakeCuenca_PUSH.jpgNasa Amerika ngayon si Jake Cuenca para muling mag-aral ng acting. Pero bago siya umalis ng bansa, ini-launch muna siya bilang bagong brand ambassador ng Guitar underwear after his contract ended with Bench.

Sey ng manager niyang si Neil de Guia, tumagal din daw ng halos 10 years ang pagiging Bench endorser niya.

Ayon pa kay Jake, “Okay naman ang naging paghihiwalay namin. I don’t burn bridges.”

With Guitar, isa rin daw siyang creative consultant ng brand na ini-endorse niya.

“This is something na hindi nabigay sa akin ng last endorsement ko which is creative control when it comes to the designs of the underwear, the designs of the shirt, and also creative consultancy with the shoots. This is very new to me, this is something that I can contribute to the brand,” pagmamalaki niya.

Dahil sexy ang kanyang image, tinanong namin si Jake tungkol sa isyu ng mga naglalabasang video scandal sa internet involving male celebrities. Baka kasi habang nasa Amerika siya ay may lumabas na video scandal sa kanya.

“For me, confident ako, 110% na wala,” natatawa niyang reaksyon.

“Kasi, medyo nadala na ako nung nakita ko pa lang ‘yung sa States, eh, ‘yung sa iCloud, nagkalat ‘yung tatlong artista, parang du’n pa lang, na-ano na ko,” dagdag pa niya.

Sabi pa ng aktor, never daw niyang napagtripan na magpakuha o kumuha ng video sa sarili.

“It’s not my thing, eh,” diin pa niya.

“Saka ang hirap, eh, pag artista ka, mas nakakatakot lalo,” dagdag niya.

Nagtataka rin si Jake kung paano naglabasan ang mga video scandal na ang iba sa mga naging biktima ay kaibigan pa niya.

“Nagdududa ako, paano lumalabas lahat ‘to? Isang tao lang ba ‘yan? Kasi pwera biro, napag-uusapan din namin sa set at nagtataka rin kami, pano lumabas lahat ‘to?” sambit pa niya.

Sa direktang tanong kay Jake kung hindi nakikipag-sex gamit ang webcam sa laptop, todo-tanggi agad ang binata.

“Hindi, hindi, hindi!”

Kaya wala raw siya talagang lalabas na video scandal.

“Ako, I’m confident na wala talaga because I’ve never done it, I’ve never even tried it.  I’ve never been to a website like that and like I’ve said, it’s not my fetish,” sabi pa ni Jake.

Napunta ang usapan sa one night stand. Ginagawa ba niya ito?

“Hindi naman ako santo, di ba? Pero sa pagkaaalala ko, wala namang nagbi-video,” natatawa niyang pahayag.