• Home
  • Fresh Scoops
  • James explains why he wanted to surprise everyone during his and Nadine’s concert at the Araneta Coliseum.

James Reid on being official with Nadine Lustre: ‘I look forward to going to work’

James explains why he wanted to surprise everyone during his and Nadine’s concert at the Araneta Coliseum.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/28/2016 12:27 PM
James Reid on being official with Nadine Lustre: ‘I look forward to going to work’
032816-James-Reid_headline.jpgAyon kay James Reid, wala sa kahit sinong kaibigan niya ang nakakaalam na sasabihin niya sa Araneta Coliseum sa harap ng maraming audience during their concert kung gaano niya kamahal si Nadine Lustre.

“As in no one knew. Even the director, Direk Paul, we were supposed to go down at the elevator and I told him, ‘turn off the music for 10 seconds.’ He asked me “why” and I said ‘can you please just do it for me?’”

Eh, sa best friend ba niyang si  Bret Jackson hindi rin niya nasabi ang plano?

“Yah, because he was freaking out,” pag-amin ni James.

Maging ang pamilya niya raw ay wala ring alam sa kanyang gagawin kaya na-shock ang mga ito.

“I don’t want anyone else’s opinion to change my mind,” reaksyon pa niya.

Pagre-recall pa nga ni James, naging very electrifying daw ang moment na ‘yon sa buhay nila ng ka-love team. Kahit pa raw maraming tao, pakiramdam daw niya ay sila lang ni Nadine ang magkasama.

 “I wasn’t looking anywhere else, just at her,” kuwento niya.

 Samantala, ayon naman kay Nadine, nagiging madali ang paggising niya sa umaga lalo na kung may syuting siya ng This Time, dahil alam niyang makakasama niya si James sa set.

 “Masarap bumangon sa umaga because, uy, magkikita kami, magtatrabaho kami, ganyan. Mas masaya because gusto mo nga ‘yung trabaho mo, and then, magkikita pa kayo, di ba? Parang kumpletong kumpleto ang araw mo,” nakangiti niyang sabi.
Ganito rin daw ang feeling ngayon ni James.

“It’s different now because I look forward to going to work especially if you really go to taping days, really long hours, no sleep but I was actually excited to go to work because she can be there and I was sad on days that we have different schedules,” sabi naman ng binata.

First month anniversary pa lang nina James at Nadine nu’ng March11, pero marami na ang nagwi-wish na maging sila na forever.

Sa tingin ba nila, they really found forever in each other, na katulad ng laman ng kantang We Found Forever na sinulat ni James para sa girlfriend?

“When people say forever, it’s when you’re in-love, it makes you feel like forever because you feel romantic. The idea that you can be like this forever, you could feel like this forever is so romantic. So that’s why I used the word “forever,” paliwanag ni James.

Ipalalabas ang This Time ngayong April at sa May naman ay meron pa silang US leg ng Jadine in Love World Tour nila.