• Home
  • Fresh Scoops
  • The singer also shares if her husband Ogie Alcasid has plans to run for office in the future.

Regine Velasquez says she will never enter politics

The singer also shares if her husband Ogie Alcasid has plans to run for office in the future.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/28/2016 12:44 AM
Regine Velasquez says she will never enter politics
032816-Regine_headline.jpgKahit pa sinong pumilit at kumimbinsi kay Regine Velasquez-Alcasid ay hinding-hindi raw talaga niya papasukin ang pulitika.

Pahayag niya, “Singer ako. I’m a singer, ‘Yan, alam na alam ko ‘yang gawin.  I’m also an actor. Wala akong kaalam-alam sa politics, aminin na natin ‘yan. Wala akong alam.

“So, hindi ko kaya ‘yun, ‘yung magpanggap ako na papasukin ko ang isang field na wala akong alam. Tapos, may katamaran din ako. Ayokong pag-aralan ‘yun. Kasi, parang... what for?”

 Idinagdag pa ng Asia’s Songbird na hindi raw talaga niya linya ang maging politician.

 “Hindi ko naman ‘yan field. So, ayokong ma-stress,” katwiran pa niya.

Masaya na rin daw siya na lahat ng mga ginusto at pinangarap niya sa buhay ay natupad na.

 “Saka, alam mo, lahat ng ginusto kong gawin sa buhay ko, ginawa ko na. And now that I have a son who’s such a gift, why would I want to complicate my life and suungin ang isang lugar na hindi ko kabisado.

“Parang galing na ako du’n, ang industry naman natin, maraming pasikot-sikot. Okay na ako du’n.
“Eh, ang showbiz, parang politics din, you have to admit, right? But politics is different, it’s so much worse than our industry, so I don’t even wanna go there,” pahayag pa niya.

Eh, nakikita ba niya sa asawang si Ogie na may interes itong pasukin ang pulitika?

“Ako, may ayaw talaga pero sinabi ko sa kanya, ‘if you decide to run for something, to be a politician, I will support you.’

“I don’t wanna... ayoko siyang pigilan kung ‘yun ang nasa puso niya, parang ayoko ‘yun. Hindi ‘yun ang role ng isang asawa. Ang role ng isang asawa is to be there, to be supportive of your husband, and I wanna be that.”
Sabi pa ni Regine, mas gusto raw ni Ogie ang maging public servant kesa politician.

“Mabait ang asawa ko, eh. Mahihirapan siya na gusto niya lahat matuwid. Parang mahirap ‘yun, eh. Marami siyang makakaaway,” rasaon pa niya.

Ano naman ang reaksyon niya sa pagiging vocal ni Ogie sa pagsuporta kay Grace Poe sa pagtakbo nito bilang president?

“Kasi, alam mo, wala namang opi-opisyal sa kanya, iisa lang naman ang susuportahan niya, pero it would be best if you ask him personally,” pag-iwas niya.

“Pero ‘yan, kami, kung sino ‘yung susuportahan namin, walang kapalit na kahit ano ‘yun. Walang posisyon, walang pera  because we do not believe in that,” paglilinaw niya.