EXCLUSIVE: Ara Mina wants ex-boyfriend to be the ‘donor’ of her next baby

Ara Mina wants to have another baby soon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/26/2016 09:28 PM
EXCLUSIVE: Ara Mina wants ex-boyfriend to be the ‘donor’ of her next baby
032616-ara_main.jpgMatagal nang sinasabi ni Ara Mina na gusto niyang magkaroon ulit ng another baby para may kalaro si Baby Amanda na anak niya kay Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bulacan.

Eh, ano nga ba ang update tungkol dito. Paano siya magkaka-baby kung wala naman siyang boyfriend ngayon?

“Hindi ko nga alam kung paano, eh. Hahaha! Kasi sabi ko, gusto ko pa. Siyempre, we’re not getting any younger. Sana makahabol pa ako kahit isang boy. Kaso hindi ko alam kung paano?” natatawa niyang reaksyon.

“Kung puwede pa ako kay Patrick, sasabihan ko siya. Donor, donor! Hahaha,” pabiro niyang pahayag.

Nagbigay naman ng mga huling reaksyon ang aktres tungkol sa pahayag ni Vivian Velez na pinaninindigan pa rin nito ang mga naunang sinabi against her sister Cristine Reyes na katrabaho niya sa series ng ABS-CBN na Tubig at Langis.

“Hindi naman sa pinagtatakpan. Well, sa kwento sa akin ni Cristine, siya ang sinigawan ni Ms. Vivian, naka-lapel si Cristine so dinig lahat sa system kung siya ang nanigaw, di ba?” pagre-recall ni Ara base sa kuwento ng kapatid.

“Alam ko kasing nasa tama siya kaya the more ko siyang ipagtatanggol. Sabi ko sa kanya dati, once and for all magsalita na. Mas gustong marinig ng tao ang side niya at hindi ako. Na-convince ko siyang magsalita.

“Kaya nga ako, nu’ng nahiwalay ako, nanahimik na lang din ako. Hindi ko na keri ’yung mga stress kasi nga may baby, ’di ba?

“Ka-text ko nga ang asawa niyang si Ali. Kumusta si AA (tawag kay Cristine)? ‘Heto, Ate, sobrang na-down nu’ng hindi pa nagsasalita. So ewan ko kung ano ang nangyayari ngayon,” kuwento ni Ara.

Pinagtatanggol din ba siya ni Cristine kapag may issue siya?

“Hindi ko alam! Hahaha!” natatawa niyang reaksyon.

“Iba ’pag Ate, eh. Siguro naman, ipagtatanggol niya ako. Eh, nu’ng naghiwalay kami ni Patrick, tahimik lang naman ako. Saka okey naman kami ni Patrick,” say pa niya.