Aktres, nag-walkout nang tanungin tungkol sa ex-BF

BY
Miss Lyka

FRESH SCOOPS

03/26/2016 09:23 PM
Aktres, nag-walkout nang tanungin tungkol sa ex-BF
032616-blind-item.jpg
Magaling umarte, maganda pero nagmaldita ang aktres nang interbyuhin siya ng isang entertainment writer after niyang um-attend sa presscon ng kanyang pelikula.

Sey ng aktres sa repoter, “Don na lang tayo sa may table para wala nang ibang kumausap sa akin kasi kailangan ko na ring umalis dahil nagugutom na ako.”

Nang binuksan na ng reporter ang dalang recorder at sinumulan ang pagtatanong, kaagad na tumayo ang aktres sabay sabing, “Akala ko pa naman tungkol sa pelikula ang itatanong mo. Hindi pala!” talak niya sabay walkout.

Matagal nang kilala ng reporter ang aktres na ito dahil  naging close ito sa kapatid niya na isa ring aktres at sa nanay nito kaya ikinagulat niya ang pagwu-walkout na ginawa ng dalaga.

“Maganda naman ang simula ng pagtatanong ko sa kanya. Hindi naman ako malditang reporter. Alam ko naman how to ask questions na hindi nakaka-offend, pero bakit ganu’n ang naging attitude niya?” nagtatakang pahayag ng reporter.

Hindi marahil type ng aktres na sagutin ang tungkol sa ex-boyfriend niya na akmang itatanong ng reporter. Pero ang nakapagtataka, dati naman, game siyang sumagot sa lahat ng tanong at kilala siya sa pagiging prangka. Ano ang kaya ang problema niya ngayon?

Photo credit: rd.com