• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Zsa Padilla also speaks up about the working conditions in the showbiz industry.

Zsa Zsa Padila is not that excited about her upcoming wedding to Conrad Onglao

Zsa Zsa Padilla also speaks up about the working conditions in the showbiz industry.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/25/2016 12:52 AM
Zsa Zsa Padila is not that excited about her upcoming wedding to Conrad Onglao

032516-zsazsa_main.jpgInamin ni Zsa Zsa Padilla nang huli namin siyang makausap pagkatapos ng The Story Of Us presscon na hindi na siya ganu’n ka-excited sa pagpapakasal sa boyfriend na si Architect Conrad Onglao.

 “Hindi na. Kasi sa edad ko talaga hindi na,” pahayag niya sa Push.com.ph.

Ang medyo nararamdaman ko is yung pressure. Nape-pressure ako na may masaktan, na merong hindi maimbita. And I don’t want it to be big kasi sabi ko hindi ko naman ito first wedding.


Hindi rin naman niya ito first wedding. Meron pa akong naudlot na wedding, di ba? Kaya na-traumatize ako, eh. Actually, na-trauma ako do’n, so pag nagpaplano ako, natu-trauma ako... parang nane-nega na ako kung matutuloy, baka kung anong mangyari.

Kaya sabi ko, mas maganda kung bibiglain ko na lang. Yung parang pati siya mabibigla, na surprise na lang. Sabi ko lang sa kanya, ‘May suit ka?’ dire-diretsong kuwento ni Zsa Zsa.

Hihinto ba siya sa showbiz pag nagpakasal na kay Conrad?

Hindi! Hindi naman sa pagla-lie low, pero siyempre may edad ka na kaya namimili ka na rin ng trabaho, eh. Sa totoo lang kung kakayanin ko pa, gusto ko talaga.

“I really love to work. I’m such a workaholic kaya lang yung katawan mo siyempre hindi na kaya yung dati. Katulad sa taping, dati wala akong cut-off, ngayon talaga hanggang 2 a.m. na lang, kasi hindi ko na kaya. Siyempre, kailangan din namang ingatan ang health, di ba?” katwiran niya.

Nagbigay rin ng reaksyon ang singer-actress sa long working hours sa taping and shootings na nae-experience niya.

Ang nangyayari kasi, sa obserbasyon ko ha lalo na pag for airing, hindi na nasusunod yung cut-off na 2 a.m. eh. Pero iniintindi naman namin yon kasi it’s part of the job.

“But the thing is lang talaga, ang nangyayari bumabawi ang mga production, ang nakikita ko sa kanila at naobserbahan ko bumabawi sila sa kain, dinadaan sa kain. Kahit ako, eh, minsan dinadaan ko sa kain yung pagod, eh.

Kasi feeling ko, baka mawalan ka ng panlaban, di ba? Kaya na lang kung papatulan natin yung lahat ng meals doon—breakfast, lunch, dinner, midnight snack and breakfast again, talagang tataba ka don kasi five meals yon.

Saka yung (food) kasi sa set medyo unhealthy, di ba? Kasi hindi ka naman bibigyan ng salad... Hindi ko nga alam kung ano yung mas magandang alternative, kung puwede bang sa set ba puwede kaming mag-request na may salad na ngayon?” lahad pa niya.

Sana nga raw ay maging katulad din ang Pilipinas ng Korea pagdating sa paggawa ng teleserye.

Ang dream ko talaga, tulad sa Korea na talagang naka-can na yung teleserye. Sana lang magkaroon na rin tayo ng confidence na ito yung materyales natin, na hindi namin ito gagalawin.

Kasi ang nangyayari, pag napulsuhan natin sa audience na hindi siya nagwo-work, napapalitan, eh. Nag-iiba ng direksyon. Tapos marami ring materyales na natatapon. Sana tulad tayo ng Korea,” pag-asam pa niya.