Jodi Sta. Maria: ‘There’s this hole in our hearts that only Jesus can fill’

Jodi Sta. Maria reveals how Jesus changed her life

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/24/2016 12:46 AM
Jodi Sta. Maria: ‘There’s this hole in our hearts that only Jesus can fill’
032316-JodiStaMaria_PUSH.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, pinili ni Kapamilya star Jodi Sta. Maria na pumunta sa Holy Land, kasama ang ilang kaibigan, para sa Holy Week. “Vinisit namin yung mga places kung saan nag-teach si Jesus, kung saan niya ginawa yung ministry niya.”

Naalala rin ni Jodi kung paanong noon kahit may maganda siyang karera at kumportableng buhay ay naramdaman pa rin niya ang pagiging “empty.” “I felt empty. I remember sa Shrine Auditorium after ng performance namin bumaba ako ng backstage umiyak ako. Sabi ko, bakit ganon, akala ko masasagot ng katanyagan yung emptiness na nararamdaman ko sa heart ko.”

Isang araw niyaya siya ng batikang aktres na si Coney Reyes na magsimba. Ani Jodi, “the Pastor, parang yung preaching niya parang ang dating sa akin niya ginawa ang sermon niya.” 

Pagpapatunay ni Jodi, “there’s this hole in our hearts that only Jesus can fill. Before I used to smoke and drink, yes, wala na siya ngayon…”