• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez insists she will not be a ‘stage mom’ to son Andrei.

EXCLUSIVE: Aiko Melendez on son Andrei joining showbiz: ‘Dapat he will work hard on his own’

Aiko Melendez insists she will not be a ‘stage mom’ to son Andrei.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/23/2016 11:19 AM
EXCLUSIVE: Aiko Melendez on son Andrei joining showbiz: ‘Dapat he will work hard on his own’
032316-AikoMelendez_PUSH.jpgNag-workshop na at nag-pictorial na for Star Magic ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andrei. Ito ang ibinalita sa Push.com.ph ni Aiko nang makausap namin siya kamakailan.

Hinding-hindi rin daw siya magiging stage mother sa anak na tulad ng ibang nanay sa showbiz mother.

“Wala nga ako sa pictorial niya, eh. Kaya nga sina Pepsi Herrera at ang Star Magic ang pinabayaan kong mag-manage on behalf of me.

“Kasi ako, kumbaga, calls lang ako. Yung tipong ‘Anak kumusta ka na, kumain ka na ba? mga ganu’n lang. Pero yung para makialam, ayoko. At ayaw din ni Andrei.

“Ayoko rin kasi naman na isipin niya na mama’s boy naman siya... ayoko. Gusto ko siyang bigyan ng free hand,” balita ng aktres.

Kanino ba mas nagmana si Andrei sa kanila ni Jomari?

“Magkakaalaman yan in the future Mother Leo. Kasi nakita ko pa lang siya sa isang video, ang acting niya parang ang mata Jomari, eh, di ba? Pero may mga mannerism siyang Melendez kaya exciting,” sagot ng aktres.

Isa rin daw sa dahilan kung bakit ayaw nilang makialam sa pagpasok ng anak sa showbiz ay baka makaramdam ito ng pressure.

“Kasi gusto niyang magkaroon ng sariling identity. Kasi ayaw niyang papakialaman na... kasi siyempre, parehong artista ang parents niya, so maku-compare talaga.

“Lagi ko lang sinasabi sa kanya to remain humble gaano man siya maging kalaking artista. Wag niyang ilalagay sa utak niya if ever sumikat siya, na kaya niya nakuha yon ay dahil dalawang artista ang magulang niya. Dapat he will work hard on his own,” payo niya sa anak.

Anyway, gumaganap si Aiko bilang step mom ni Kim Chiu sa The Story of Us na pinagbibidahan din ni Xian Lim under the direction of Richard Somes.