• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrities reveal their annual traditions for the Lenten season.

Celebrities reveal their Holy Week traditions, Part 2

Celebrities reveal their annual traditions for the Lenten season.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/24/2016 12:47 AM
Celebrities reveal their Holy Week traditions, Part 2
032316-NyoyAngeKean_PUSH.jpgKanya-kanyang paraan at lugar para sa soul searching, pagdadasal at reflection ang naibahagi ng ilan sa ating mga paboritong personalidad ngayong Semana Santa...

Ang singer na si Angeline Quinto, Nakaugalian na ang manalangin sa iba’t-ibang simbahan sa Sampaloc, Manila. Dito daw kasi siya namulat sa regular na pakikipag-usap sa Panginoon

"Talagang ginagawa ko po iyon every holy week na mag bisita iglesia ako sa mga simbahan sa Sampaloc kasi doon iyung mga simbahan na talagang deboto ako."

Si Coco Martin ay kilalang deboto ng itim na Nazareno ng Quiapo. Ilang beses ng napatunayan ang milagro ng poon sa kanyang personal na buhay.

"Sa sampung hiniling ko kapag nagkaka-problema ako kahit noong hindi pa ako artista siguro labinlima ang binigay niya katuparan. Alam mo may mga time talaga na wala ng solusyon ang problema suntok sa buwan pero di ko maipaliwanag at nagkakaroon ng dahilan at nalulutas ang mga problema ko."

Kakaiba naman ang sakripisyong ginagawa ni Nyoy Volante. Ang mga bagay na itinuturing niyang layaw gaya ng video games at Social Media ang kanyang binabawasan sa panahon ng Semana Santa bilang sakripisyo

"Basta yung mga layaw mo na talagang kasi syempre okay naman sa food eh kung talagang ano kung wala doon ang passion mo it might not that big of a sacrifice dinadaan ko sa mga bagay na talagang gustong gusto ko gawin."

Para naman kay Kean Cipriano, hindi lang sana sa Semana Santa nagaganap ang personal reflections kundi maging regular na gawain para sa mas magaan na pamumuhay.

"Dahil mahaba ang bakasyon mas nakakapag reflect tayo I think it should happen on a regular basis naman na kailangan natin mag reflect palagi. Pero ngayon holy week ang galing lang kasi parang tumitigil ang buong mundo kapag holy week nare-refresh ang mga tao para mag reset naniniwala naman ako doon."

Ngayong mahaba ang bakasyon, hindi masama na makasama natin ang mga mahal sa buhay at makipag bonding sa kanila... Basta’t huwag natin kalimutan na maglaan ng ilang sandali para manalangin at gunitain ang mensaheng ipinararating Semana Santa.