• Home
  • Fresh Scoops
  • Zaijian Jaranilla says he’s not afraid now that he’s at an ‘awkward age.’

EXCLUSIVE: Zaijian Jaranilla wants to study directing in London

Zaijian Jaranilla says he’s not afraid now that he’s at an ‘awkward age.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/22/2016 10:40 AM
EXCLUSIVE: Zaijian Jaranilla wants to study directing in London
032216-ZaijianJaranillo_PUS.jpgTeenager na si Zaijian Jaranilla and he is now 14 years old. Sa showbiz industry, nasa awkward age na siya. Maraming mga katulad niyang artista ang pansamantala hindi nabibigyan ng role sa teleserye o pelikula kapag nasa edad sila ng 13 hanggang 17 na.

Ayon kay Zaijian, aware naman daw siya tungkol dito at hindi siya natatakot kung sakaling maapektuhan ang showbiz career niya.

“Okay lang naman po para sa akin yun ganu’n na hindi muna ako mabigyan ng project. Kaya ko naman po na maghintay para do’n sa tamang oras kung kailan nila ako bibigyan.

“Kaya nga po, sobrang thankful ako na kahit nasa ganitong edad na po ako, binibigyan pa rin po ako ng project,” pahayag ni Zaijian sa exclusive interview ng Push.com.ph.

Eh, paano ba niya pinaghahandaan ang awkward age na ito at ano ang balak niyang gawin habang naghihintay ng right project?

“Itutuloy ko po yung pag-aaral ko kung sakali mang mangyari nga po yung ganu’n. Pero sana naman po huwag. Focus po muna ako sa school at sa hobbies ko po.

“Basketball po ang sports ko at saka mahilig po ako sa mga computer games... yon po,” pagbabahagi ni Zaijian sa plano niya.

Hindi ba siya natakot mawalan ng trabaho ngayong teenager na siya?

“Actually, hindi ko naman po naisip yon. Hindi ko naman po iniisip na mawawalan ako ng project. Sobrang palagi pong positive ang iniisip ko. Palagi po akong ganun. And okay lang po sa akin kahit wala,” katwiran pa ng binatilyo.

Sa interbyu namin noon kay Zaijian, ibang course ang gusto niyang kunin sa college. Pero nagbago na raw ito ngayon plano na niyang maging director.

“Gusto ko pong maging director pag laki ko. Pag taping po kasi, lagi akong bumibilib sa mga nagiging director ko po lalo na si Direk Jerome (Pobocan) sa galing niya sa pagdidirek kaya parang gusto ko po na dapat ganito rin ako kagaling an director.

“Nag-start na rin po akong mag-observe kapag may mga taping. ‘Paano kaya nila naiisip yung ganitong mga blockings, kung paano nila mino-motivate yung mga artista.’”

Gusto ni Zaijian na kapag hindi na siya aktibo bilang actor ay sa pagdidirek naman siya mapunta.

“Gusto ko pong mag-aral ng directing sa London. Pinaplano po namin yon. Pero dito po sa Pilipinas, baka UP (University of the Philippines) po muna tapos lilipat na lang don.

“Nu’ng una po talaga, gusto kong maging businessman pero nabago po yon. Mas nagkainteres po ako sa pagdidirek ngayon,” sabi pa niya.

Eh, anong klaseng director ba ang gusto niyang maging?

“Gusto ko po yung kalma lang, yung happy lang sa set. Gusto ko yung walang problema sa set ko,” sagot niya.