• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrities reveal their annual traditions for the Lenten season.

Celebrities reveal their Holy Week traditions

Celebrities reveal their annual traditions for the Lenten season.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/22/2016 10:20 AM
Celebrities reveal their Holy Week traditions
032216-DonnaKylaJona_PUSH.jpgNgayong Holy Week, karamihan sa mga Pilipino ay may tradisyon na ginagawa kasama ang ating pamilya o mahal sa buhay. Karaniwan na dito ang Bisita Iglesia o pagpunta sa iba’t-ibang simbahan para manalangin at ang pag-iwas sa pagkain ng karne sa tuwing ganitong panahon.

Ganito rin ang gawain ng nagbabalik na singer na si Donna Cruz tuwing mahal na araw.

"Pumupunta kami sa simbahan, mga ilang simbahan tapos nag-pray. Siyempre di na natin kailangan i-announce yun pero ang isa sa talagang ginagawa ko hindi talaga ako kumakain ng meat."

Sa Japan plano mag-Holy Week ni Kyla at ng kanyang asawa na si Rich Alvarez pero kahit nasa ibang lugar sila ay ginagawa pa rin ni Kyla ang kanyang tradisyon sa Holy Week.

"Kapag Holy Week hindi kami masyadong nagmi meat more on gulay and fish."

Sasamantalahin naman ni Jona ang mahabang pahinga para makapagpa re model ng kanyang kitchen sa bahay nila. Pero hindi daw nawawala ang prayers at reflections kapag ganitong panahon.

"During early part ng Holy Week I observe pa rin ang traditions natin di ba? Basta magkakaroon ka ng quiet time and spiritual time with the Lord."

Si Jolina Magdangal naman, ibinahagi ang mga tradisyon na kinalakihan na niya at ngayon ay ginagawa niya sa kanyang pamilya at anak.

"Walang maingay kapag Holy Week lalo na sinasabi ‘wag kayo maingay semana santa. Basta ang week na yun actually homebody kami noon. Tapos bisita iglesia, medyo nasanay kami ng ganoon," pagtatapos ni Jolina.