Vice Ganda gives his mom a big surprise

BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

03/22/2016 02:07 AM
Vice Ganda gives his mom a big surprise
032116-vice_pod.jpg

Comedian Vice Ganda and his siblings made an effort to visit their mom Rosario, who lives in Los Angeles, California. Vice posted a short video of their surprise on his Facebook and Instagram and his mother was teary-eyed when she saw her children. The last time they were together was last December during Christmas when they traveled to Dubai for a short vacation.

Vice’s message for his mother and family on Facebook was a lengthy one but nevertheless the comedian emphasized his love for his mother and why Palm Sunday will always be memorable for him. 

“Linggo ng Palaspas 1991 ng pumanaw ang Tatay ko. Nalagasan ng isang malaking bahagi ang pamilya namin. Yun ang simula ng unti unting pagkakawatak ng aming pamilya. Sa kahirapan ng buhay napilitan ang Nanay ko na makipagsapalaran sa Amerika para mabuhay kami. Sa kawalan ng presensya ng magulang sa bahay nagkanya kanya kaming magkakapatid. Magkakasama sa isang bubong pero kanya kanya. Magkakapiling pero magkakahiwalay. 

“Bilang pinakabata damang dama ko ang hirap at lungkot ng pangungulila. Habang nahuhubog ang pagkatao ko unti unti rin nahuhubog sa isip at puso ko ang paghahangad na balang araw ako mismo ang gagawa ng hakbang para muling mabuo ang pamilya ko. Nagtrabaho ako. Hinusayan ko ng husto para makaipon para sa anumang pagkakataon ay makakaya kong muling pagsamasamahin ang nagkahiwalay kong pamilya. 

“Ngayon matapos ang dalawampu't anim na taon Linggo ng Palaspas hindi ko hahayaang di kumpleto at di magkakasama ang natitirang pinakamahahalagang tao sa buhay ko. Kaya inilipad ko ang mga kapatid at pamangkin ko kasama ang mga pinakamalapit kong kaibigan sa Amerika para surpresahin ang Nanay ko. Ngayon magkakayakap muli ang buong pamilya ko. Masaya ko sa kasikatang meron ako. Sa mga tropeyo at pagkilalang natatanggap ko. Pero ito ang TAGUMPAY na totoong hinahangad ko. Di to malalaos. Di kaylanman maluluma,” Vice shared in his post.