• Home
  • Fresh Scoops
  • Sid Lucero reveals reason why he and Alessandra De Rossi broke up

Sid Lucero reveals reason why he and Alessandra De Rossi broke up

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/21/2016 12:03 AM
Sid Lucero reveals reason why he and Alessandra De Rossi broke up


032116-sid_main.jpgMatagal nang hiwalay sina Sid Lucero at ang akres na si Alesandra De Rossi. Sa pagkakatanda ni Sid, almost a year na silang walang communication ng ex-girlfriend.

Alam niya naman daw ang number ng dalaga, pero hindi niya alam kung paano ito ia-approach dahil sa mga nangyari sa kanila in the past.

“I still have her contact number. Pero hindi ko pa siya kayang matawagan. I don’t know how to start kasi.

“Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkausap, hindi ko alam kung paano ulit sisimulan,” kuwento ni Sid nang makausap siya ng Push.com.ph sa presscon ng The Millionaire’s Wife kamakailan lang.

Ayon pa sa aktor, nag-iipon pa siya ng lakas ng loob para harapin si Alex.

“Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na kausapin siya ulit. Kapag ready na siguro ako.  I will give myself enough time for that,” sey pa niya.

Hindi naman naging maramot si Sid na ibahagi sa amin kung ano talaga ang dahilan ng break-up nila ni Alessandra.

Ayon sa aktor, “It wasn’t a good thing that happened to me. I was not myself. I was in a very dark place at that time.

“Maraming taong naapektuhan at kasama na dun ang relasyon ko with Alex. Gusto kong umahon doon sa kinalalagyan kong yun kasi hindi na siya maganda,” rason pa niya.

Dagdag pa ni Sid, “It was a constant struggle for me at ayokong may madamay na ibang tao. I want to do it by myself. Ayokong umasa o maging dependent sa ibang tao.”
Gusto rin daw niyang humingi ng tawad sa dating kasintahan.

“Hopefully, I pray that one day, I will gather enough strength to face Alex and apologize to her. Alam kong marami akong naging pagkakamali sa kanya,” pahayag pa niya.

Nangako naman si Sid na hindi na siya magiging problema sa set ng ginagawa niyang teleserye.

“I can honestly say that I am in a good place right now at ayokong maging problema ako ng ibang tao. I’m under control of myself and I want to do this, not just for myself but for my baby girl.

“I want to be a good provider for my child and I want to thank so many people who still believe in what I can do and are always telling me start fresh. I don’t want to disappoint anyone anymore,” pangako niya.