Janice and Gelli De Belen’s mom Susan passes away

The actresses thank everyone for the support and prayers.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/20/2016 10:30 AM
Janice and Gelli De Belen’s mom Susan passes away
032016-JaniceGelli_main.jpgSumakabilang buhay na sa edad na 67 ang ina ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen na si Cynthia Susan de Belen noong March 19. Bago namaalam si Mommy Susan, limang linggo muna ito naka confine sa Intensive Care Unit ng Cardinal Santos Hospital at pumanaw ito dahil sa Organ Failure. 

Nai-cremate na ang katawan ni Mommy Susan at pasado alas-onse na ng gabi ng ilabas ang urn nito para sa viewing. 

Present ang buong pamilya at ilang malalapit na kaibigan sa showbiz nina Janice at Gelli, kabilang na sina Carmina Villaroel, Aiko Melendez, Candy Pangilinan, mag-asawangsina 
Aga Muhlach at Charlene Gonzales, Ogie Alcasid, at ABS-CBN Executive Cory Vidanes. Dumating din ang staff ng dating programang SIS, na malalapit na kaibigan na ngayon nina Janice at Gelli. 

Hanggang sa Linggo, March20 magaganap ang viewing nito sa Heritage Chapels sa Taguig at magaganap ang paglilibing sa Lunes ng umaga.

Nag-request sina Janice at Gelli ng privacy sa kanilang pagdadalamhati at nagpapasalamat sa lahat ng mga mensahe at prayers na natatanggap nila ngayon.


Main Photo Credit to SuperJanice IG