Celebrities reveal their Holy Week plans (Part 1)

Where are the stars off to this Holy Week?

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/20/2016 11:54 PM
Celebrities reveal their Holy Week plans (Part 1)
032116-celeb_main.jpg

Dahil Holy Week na at mahaba haba ang araw ng pahinga, ibinahagi ng ilan sa paborito nating personalities ang kanilang mga plano ngayong Semana Santa.

Para kay Yeng Constantino, postponed muna ang kanilang Holy Week plans ng kanyang asawa dahil kasama si Yeng sa Jadine In Love World Tour.

032116-celeb2_main.jpg

"Wala po ako bakasyon ngayon Holy Week dahil kasama po ako sa Jadine tour. Mami-miss ko ang asawa ko dahil di ko siya kasama for two weeks yun, Milan, London, Qatar and Dubai. Last year, nag-Bohol kami, siguro pagbalik ko na lang saka kami magba-bakasyon," kwento ng singer. 

Trabaho rin ang sagot ni Michael Pangilinan pero sabi ni Michael, isisingit niya sa kanyang schedule ang pahinga at bakasyon. 

032116-celeb1_main.jpg

"I’ll be in Cebu with some friends, kumbaga hindi man siya talagang bakasyon, susulitin namin. May isang araw lang na free, susulitin na namin," sabi ni Michael.
 
Ready na rin ang out of town vacation ng ilan sa ating teen stars. Si Sofia Andres, sa probinsya ng Bataan ang venue ng bakasyon.

032116-celeb3_main.jpg

"We’re going to Bataan with family and friends. Mayroon kasi kaming friend doon na malapit sa amin kaya mas masaya," shared Sofia. 

Ang Pinoy Big Brother teen na si Maris Racal, ibinahagi rin ang kanyang spiritual retreat habang nasa kanyang hometown.

032116-celeb4_main.jpg

"Davao City, my hometown, doon po kasi mas napi-feel ko ang holiness. May mga traditions kami with family na pumupunta sa church talaga, mag-way of the cross, may sacrifices talaga ginagawa," paliwanag ni Maris. 

Ang Broadway Diva na si Lea Salonga, sa Amerika magpapahinga kasama ang kanyang anak at asawa. Sasamantalahin na rin daw ni Lea ang panahon na ito para maipasyal ang kanyang anak.

032116-celeb5_main.jpg

"We’re actually leaving the country. We are visiting my husband’s family in the States, Of course I’m going to take my daughter to Disneyland," pagtatapos ni Lea.