• Home
  • Fresh Scoops
  • Allen Dizon wins the Best Actor award at Silk Road Film Festival for the second time.

Allen Dizon wins back-to-back best actor awards at Silk Road Film Festival

Allen Dizon wins the Best Actor award at Silk Road Film Festival for the second time.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/20/2016 09:08 AM
Allen Dizon wins back-to-back best actor awards at Silk Road Film Festival
032016-allen_main.jpgGrabe kung humakot ng international best actor award si Allen Dizon. Last year lang, nanalo siyang best actor sa 3rd Silk Road Film Festival in Dublin, Ireland for his performance in Jason Paul Laxamana’s Magkakabaung (The Coffin Maker) at naulit na naman ito ngayong 2016.

Si Allen ulit ang tinanghal na best actor sa 4th Silk Road Film Festival para naman sa kanyang subtle yet very effective performance sa pelikulang Iadya Mo Kami (Deliver Us) na sinulat ni Ricky Lee, idinirek  ni Mel Chionglo at prinodyus ng BG Productions.

Ayon sa manager ni Allen na si Dennis Evangelista, pang-apat na international best actor award na ni Allen ang napanalunan niya sa Dublin, Ireland at pang-20 best actor trophies naman niya ito sa kabuuan.

“We are so proud of Allen. Imagine, from just being a stud before, ang layo na talaga ng kanyang narating. Kahit si Allen, hindi niya ini-expect na mangyayari ang ganitong magagandang bagay sa kanya,” pahayag ni Dennis tungkol kay Allen.

Ilan sa mga tinalo ni Allen sa Silk Road Film Fest ay si Parviz Parastui for the film Two na isa sa kilalang actor in Iranian Cinema at ang Taiwanese heartthrob na si Chen Bolin ng pelikulang Distance.

“Kapag uma-attend naman ako ng awards night, hindi naman ako talaga nag-i-expect. Andon lang ako kasama ng production team but I’m not expecting to win. Kaya ‘pag tinawag na yung pangalan mo, iba talaga yung pakiramdam,” masayang kuwento ni Allen.

Samantala, hindi muna nagbigay ng detalye si Allen kung kailan muling mapapanood ng tao ang pagbabalik ng character niya sa afternoon series na Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes.

Basta babalik ako. Abangan na lang nila,” matipid niyang pahayag.