Aktres, bumili ng Best Actress trophy para maka-graduate sa pagiging sex symbol?

BY
Miss Lyka

FRESH SCOOPS

03/20/2016 08:42 AM
Aktres, bumili ng Best Actress trophy para maka-graduate sa pagiging sex symbol?
032016-blinditerm.jpgHindi pagdududahan ang galing sa pag-arte ng aktres na bida sa aming blind item ngayon. Nag-evolve na rin kasi siya as an actress kahit papaano mula sa pagiging sexy star noon.

Para maka-graduate sa pagiging sex symbol, kailangan niyang magkaroon ng acting award o matawag na Best Actress. Tiyempo naman na na-nominate siya sa isang pelikula kaya nag-succeed siya sa kanyang plano.

After being nominated, gumawa ng paraan ang sexy star para mabili ang Best Actress trophy sa award-giving body kung saan siya nominated. Walang kahirap-hirap na siya ang tinanghal na best actress kahit pa matitindi ang kanyang mga nakalaban.

Tinaasan ng kilay ng maraming taga-showbiz ang kanyang pagkapanalo, pero wala na silang magagawa. Hawak na niya ang tropeo na naging dahilan din para unti-unting mabago ang kanyang image.

After niyang manalo ng award ay nawala pansamantala sa eksena ang aktres. Huminto na rin ito sa pagpo-produce ng pelikula hanggang nagkaroon na siya ng asawa.

Ito ang clue, katatapos lang gawin ng aktres na ito ang isang teleserye. No further clues, please.