Pokwang admits she learned a lot from Melai Cantiveros about having a love life

Pokwang hopes to get married this year.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/02/2016 09:29 AM
Pokwang admits she learned a lot from Melai Cantiveros about having a love life
030216-pokwang_main.jpgAng buong akala noon ni Pokwang ay hindi na siya makaka-survive sa showbiz pagkatapos mawala ng noontime show na Wowowee ni Willie Revillame kung saan isa siya sa mga co-host.

“Akala ko no’n ending na talaga, eh. Pero tuloy pa pala ako,” simulang paayag ng bida ng We Will Survive series sa Push.com.ph.

“Nu’ng nawala yung noontime namin na Wowowee, yon yung parang... buti na nga lang na-survive ko kasi I love that show so much, eh, at ang laki rin ng naitulong sa akin non.

“Alam n’yo naman I love hosting, gusto ko yung live na show. Pero sa ngayon, hindi po ako nalulungkot kasi ang ganda naman po ng mga proyektong binibigay sa akin ng ABS-CBN,” patuloy ni Pokwang

Naisip ba niya na maaabot din niya ang narating ng iniidolong komedyana na ang balita noon ay ayaw siyang maasama sa proyekto?

“Never pumasok sa isip ko na someday magiging kagaya niya ako o ano. Pero siyempre, maganda rin sa bawat tao na may pangarap ka sa buhay, may goal ka sa buhay.

“Pero kasi sa ngayon, parang feeling ko napaka-blessed ko na. Okey na ako. Hayaan na lang natin, kumbaga, respetuhin na lang natin yung mga ganu’n,” katwiran pa niya.

Inamin ni Pokwang na masaya siyang nakatrabaho si Melai Cantiveros sa We Will Survive. Marami rin daw siyang natututunan dito.

“Kahit na mas nakakatanda ako sa kanya pero may napupulot din ako sa kanyang inspirasyon. Tulad nu’ng pagdating sa love life, kasi sa kanya parang...’ saan mo nakukuha yang mga sinasabi mong yan?’

“Maniwala ka’t sa hindi, sa loob pa lang ng PBB biniboto ko yang si Melai, kami ng mga yaya ko sa bahay. Very inspiring din kasi ang buhay ni Melai.”

Dagdag pa niya, masaya rin siyang natupad ni Melai ang mga pangarap nito sa buhay.

“Alam n’yo, pag nangangarap ang isang tao, huwag nating pipigilan. Wala tayong karapatang pibilan ang gusto nila sa buhay,” sambit pa niya.

Samantala, kung hindi daw mabubulilyaso, baka this year na sila magpakasal ng boyfriend na si Lee O’Brian.

“Hopefully this year. Pero wala pang proposal. Darating at darating naman yon, eh.

“Pero yung baby, wala pa muna, trabaho  muna tayo at saka paano rin yung mga katrabaho ko if ever na mabuntis ako, di ba? Kawawa naman sila,” she said.