• Home
  • Fresh Scoops
  • Jeron Teng honored to be the only Filipino athlete nominated in Nickelodeon Kids Choice Awards

Jeron Teng honored to be the only Filipino athlete nominated in Nickelodeon Kids Choice Awards

The basketball player hopes to make the country proud.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/3/2016 1:48 AM
Jeron Teng honored to be the only Filipino athlete nominated in Nickelodeon Kids Choice Awards


030216-jeron_main.jpgSa pagbibigay pagkilala ng Nickelodeon Kids Choice Awards sa mga paboritong celebrities  ng mga kabataan  ngayong taon ay  isang Pinoy athlete lang ang nakapasok. Nominado sa kategoryang Favorite Asian Sports Star si Jeron Teng ng De La Salle Green Archers.
 
Makakalaban ni Jeron sa botohan  ang 3 pang sikat na atleta mula sa ibang panig ng Asia.
 
Ayon kay Jeron, “I’m very happy and honored for the recognition given by Nickelodeon. Being the only Filipino athlete to be nominated in Kids Choice Awards is really overwhelming.”
 
Ang nominasyon ni Jeron ay isang patunay din ng pagkilala ng Asya sa galing ng mga Pilipino sa larangan ng sports.
 
“Mas nakaka-inspire pag merong ganito. Kasi you get to do what you love, yung passion mo sa sports, tapos napapansin ka pa nila. Masaya lang yung feeling,” sabi pa ng basketbolista.
 
Ipinagpapasalamat din ni Jeron ang suporta ng mga kabataang Pinoy na patuloy siyang iniidolo.
 
“They are my inspiration and I’m very thankful  na kahit papaano, nai-inspire ko din sila sa ginagawa ko. Every time I play, yon naman ang iniisip ko, ang makapagbigay ako ng magandang laro para mapasaya yung mga supporters,” pahayag pa ni Jeron.
 
Here is how to vote for Jeron sa Nickelodeon Kids Choice Awards.
Maaari silang mag log-on sa www.kca2016.com o kaya ay mag tweet gamit ang hashtag na #KCA at #VoteJeronPH hanggang  March 3, 2016.
 
“Thanks for supporting me. I hope I can make our kababayan proud,” masaya pa niyang pahayag.
 
Photo credit to Jeron Teng's Instagram account.