• Home
  • Fresh Scoops
  • Marian Rivera reveals how hands-on she and Dingdong Dantes are with baby Letizia.

Marian Rivera says Dingdong Dantes is in charge of looking after baby Letizia every Sunday

Marian Rivera reveals how hands-on she and Dingdong Dantes are with baby Letizia.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/20/2016 12:50 AM
Marian Rivera says Dingdong Dantes is in charge of looking after baby Letizia every Sunday
031916-marian_main.jpgMalaki ang pasasalamat ni Marian Rivera dahil marami siyang gatas sa dibdib para ipadede sa anak niyang si baby Letizia.

Ang iba nga raw dito ay iniipon pa niya at pini-preserve para ilagay sa freezer para maipainom sa anak sakaling wala siya sa bahay at hindi niya ito kasama dahil sa trabaho.

“Matakaw si Zia eh! Ha! Ha! Ha! Sabi ko nga, hindi naman importante kung matabang-mataba. Ang importante sa akin is healthy siya,” masayang kuwento ni Marian.

Balak din daw niyang ituloy ang pagbi-breastfeed sa anak hanggang meron pang lumalabas na gatas sa kanya.

“Every day nagpa-pump ako eh. May container siya eh. Nakalagay kung anong date. ‘Pag sa freezer, maximum of three months. Katulad ngayon, maaga akong umalis, idi-defrost na ni Dong (Dingdong Dantes) ’yan (gatas). Ilalagay na niya sa bottle para kay Zia,” sey pa niya.

Tuwing Sunday daw nakatokang mag-alaga ng bata si Dingdong dahil sa show niya sa GMA7.

“Oo, every Sunday siya ang nakatokang mag-alaga kay Zia. Alam na niya ‘yung proseso,” pagmamalaki pa ng aktres sa asawa.

Hindi ba sila kumuha ng yaya para sa anak?

“May yaya naman. Tagabantay kasi ang madalas gawin ng yaya,” sagot niya.

Ayon pa kay Marian, mas gusto niyang siya ang nag-aalaga sa anak.

“Hands-on kasi ako at si Dong. Halimbawa, wala si Dong at ako ang mag-aalaga. Maliligo ako. ‘Oh Ate, pakitingnan si Zia. Maliligo lang ako.’

“Pag nandoon ako, ako lahat. Pag nandoon si Dong, si Dong lahat. Siya ang magpapaligo,” she said.

Samantala, dahil nga nagbi-breast feed si Marian, tinanong muna niya ang doctor kung okey sa kanyang mag-take ng slimming herbal tea na Biofit na siya rin ang endorser.

“Okey naman daw. Walang problema. Kaya balik-alindog ang beauty ko. Ha-ha-ha!” natatawa niyang pahayag.