Lea Salonga says she is looking forward to The Voice Kids Season 3

The singer says there will be major changes on the show.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/19/2016 12:52 AM
Lea Salonga says she is looking forward to The Voice Kids Season 3
031816-LeaSalonga_PUSH.jpgNew look at short hair na ang Broadway Diva na si Lea Salonga ng makausap natin sa kanyang launch bilang brand ambassador ng Uniqlo Store. Ipinaliwanag ni Lea ang kuwento sa likod ng short hair nya. Nasanay na nga naman tayo sa kanyang ling straight hair mula ng kanyang kabataan.

"Wala, I'm not broken hearted, I did not loose money in the lottery, wala naman naganap na major sa buhay na naging pasimuno ng drastic hair change na ganito. Last year kasi it got shorter, gradual.  When I arrived in New York it's like a bob pero sabi ko di ko keri ito so I asked our hairdresser from Allegiance to cut it even shorter. And I've been so happy with this haircut. I've had it since November," paliwanag niya. 

Hindi pa napapanood ni Lea ang Manila production ng Broadway musical na Les Misarables. Pero nasa plano na ni Lea na panoorin ito ngayong weekend at magbigay suporta kay Rachel Ann Go na gumaganap bilang Fantine na ginampanan niya rin noon.

"Manonood ako. Di ko lang alam kung kailan maybe this weekend kasi wala na ako time next week," sabi ng singer. 

Looking forward na rin si Lea sa third season ng The Voice Kids na magsisimula na ang taping ngayong Mayo.

"We are shooting i think in May we have to push back with our schedule dahil nagkasakit ako yung initial shooting schedules namin. I'm sorry that we have to do it a little later. It will take a little longer before they get to see us, for those na natanggap for the blind auditions prepare and practice before you get to us," dagdag pa ni Lea. 

Abangan din daw ang mga pagbabago na mapapanood sa pagbabalik ng The Voice Kids

"I can't comment on that baka magpalit ng line up. I'll let ABS-CBN handle all of that," pagtatapos ni Lea.