• Home
  • Fresh Scoops
  • After his video scandal, Michael Pangilinan is ready to get back to work with a concert, movie, and album.

Michael Pangilinan returns to the concert stage with ‘Michael Really Sounds Familiar’

After his video scandal, Michael Pangilinan is ready to get back to work with a concert, movie, and album.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/17/2016 10:11 AM
Michael Pangilinan returns to the concert stage with ‘Michael Really Sounds Familiar’
031716-MichaelPangilinanPUSH.jpgPagkatapos ng sold-out concert na Michael Sounds Familiar ni Michael Pangilinan noong December 18 sa Music Museum, the Harana Prince is doing a repeat of the Sounds Familiar theme billed as Michael Really Sounds Familiar na gagawin naman sa March 18, 9 p.m. (Friday) sa Music Museum din.

“Iba naman ito kesa do’n sa naunang concert ko. Pero siyempre, yung mga kantang minahal sa akin ng audience, maririnig din nila,” pahayag ni Michael sa Push.com.ph.

Magiging special guest ni Michael sa show sina Garrie Concepcion, Ate Gay, Boobay, Kara, and former Smokey Mountain sensation Jeffrey Hidalgo (and a very surprise guest). The concert is under the musical direction of Ivan Lee Espinosa.

Serving as front act is cancer survivor cum violinist Emil John Olisco.

Ayon kay Michael, may mga inaral siyang bagong kanta na kasama sa kanyang repertoire sa Biyernes.

"Maraming bagong songs akong pinag-aralan. And as I’ve said nga, meron akong ibinalik na dating songs pero karamihan sa kakantahin ko ay relatable sa lahat. Ha! Ha! Ha!

“May mga hugot songs din. Meron konting pasabog. Basta! Pero sure akong mago-good vibes sila sa gabing yon,” kuwento niya.

“Malay niyo, baka may gawin akong kababalaghan sa show. Joke lang. Ha! Ha! Ha!" panunukso pa niya.

Bukod sa paghahanda para sa concert, busy din ang singer-actor sa naghahanda para sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 where he and Angeline Quinto will interpret the song “Parang Tayo Pero Hindi” composed by Marlon Barnuevo.

Ang grand finals ay gaganapin sa Kia Theater on April 24, 2016.

"Exciting itong duet namin ni Angeline. Basta keep on voting lang for the song sa MOR - No. 12 kami,” pakiusap niya.

“Medyo excited na rin ako sa malapit nang pag-release ng second album ko sa Star Music with eight tracks. Natapos ko nang i-record lahat at inaayos na ang pag-release nito very soon.

“Sa May 3 naman ay showing na ang Pare, Mahal Mo Raw Ako movie namin ni Edgar Allan (Guzman). First acting job ko ito sa movie kaya excited din ako.”

Kasama ni Michael sa Pare sina Nora Aunor, Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell and Katrina "Hopia" Legaspi.

“Ganda ng kinalabasan ng film naming ito, modesty aside. Ganda ng pagkadirek ni Tito Joven Tan na siya ring nag-compose ng song. Basta abangan niyo na lang,” pagtatapos niya.