• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada says she is not looking to replace Kris Aquino in a talk show.

Karla Estrada reveals her dream TV show

Karla Estrada says she is not looking to replace Kris Aquino in a talk show.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/17/2016 10:20 AM
Karla Estrada reveals her dream TV show
031716-KarlaEstrada1_PUSH.jpgSunod-sunod ang blessings ngayon sa career ng Queen Mother na si Karla Estrada. Kakapirma nya lang ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN at magkakaroon siya ng solo concert sa Kia Theater sa April 30.

Hindi rin matapos-tapos ang issue sa malaking posibilidad na si Karla ang ipalit bilang talk show host sa timeslot na iiwan ng Kris TV.

Dito nilinaw ni Karla ang usapin at inihayag ang kanyang side sa issue

"Naku tapusin na natin ito at nakakahiya kay kumareng Kris (Aquino). Maari siguro na may alam ako na hindi alam ng iba pero ang gusto ko lang talaga gawin is magpasaya ng audience. Napaka-talinong tao ni Mareng Kris at walang makakapalit sa kanya."

Nai-share din ni Karla ang kanyang dream TV show sakali na magkaroon siya nito.

"Alam nyo mas type ko na maging host ng isang travel show na liligirin ang buong Pilipinas. Yung malalaman nila kung saan pwede matulog ng dalawang piso lang ang bayad, tapos kung saan makakabili ng murang food mga ganun."

Sa ngayon ay wala pa daw offer at wala pang balita na nakakarating kay Karla kung totoo nga na magkakaroon siya ng sarili niyang programa.