• Home
  • Fresh Scoops
  • The Lopez brothers insist they just defended themselves against Diego Loyzaga and his group.

Paolo Lopez on Diego Loyzaga: ‘He got pissed and then he punched me in the face twice’

The Lopez brothers insist they just defended themselves against Diego Loyzaga and his group.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/17/2016 12:46 AM
Paolo Lopez on Diego Loyzaga: ‘He got pissed and then he punched me in the face twice’
031616-DiegoLoyzaga_PUSH.jpgSa ulat ni Ginger Conejero para sa TV Patrol, nagsalita na ang magkapatid na Wilmer Paolo At Wilmer Angelo Lopez sa diumanong pambubugbog sa kanila ni Diego Loyzaga at mga kasama nito. 

Tatlong tahi, black eye at isang malaking sugat sa kanang bahagi ng ulo ang tinamo ni Paolo. Ayon sa Lopez brothers, nagkaroon ng ilang komprontastyon ang grupo nila sa grupo nina Diego ng madaling araw ng Linggo, March 13 sa The Palace Pool Club sa Taguig.

Una diumano, nang akbayan ni Diego ang girlfriend ni Angelo. Hindi naging kumportbale ang girlfriend ni Angelo sa ginawang ito ni Diego, lalo’t hindi naman sila magkakilala ng aktor. Ani Paolo, “I went up to Diego. I told him that's my brother’s girlfriend. What happened is he got pissed and then he punched me in the face twice.”

Nagkaroon uli ng tensiyon ng tanungin sila ni Diego kung nasaan ang lalaking hinahanap ni Diego. Ani Angelo, “Sinasabi naman niya (Paolo) na he’s telling the truth, hindi niya alam, wala siyang alam. Things got heated tapos bigla na lang he got hit sa dito niya (pointing to his temple).”

Giit ng girlfriend ni Angelo na narinig niya si Diego nang mag-utos ito na “sapakin” si Paolo. “I really saw Diego say na, ‘bro, I mean like, sapakin mo na yan.”

Bumagsak at nawalan ng malay si Paolo pero pinagsisipa pa raw ito. Dagdag pa ng girlfriend ni Angelo, “I protected his head cause it was bleeding. A friend of Diego’s still kicked him.” 

Ayon naman kay Paolo, “Next thing I remember is waking up in the hospital the next day. I didn't know what happened.” 

Nagkapalitan daw ng suntok ang magkabilang panig pero giit ng panig ng Lopez brothers, self-defense lang ang ginawa nila. 

Nagkaroon din ng bali sa kamay ang kaibigan nila na nangangalang Tommy.