• Home
  • Fresh Scoops
  • Zaijian Jaranilla is excited about his new love team and new project.

EXCLUSIVE: Zaijian Jaranilla is excited to have a love team

Zaijian Jaranilla is excited about his new love team and new project.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/17/2016 12:48 AM
EXCLUSIVE: Zaijian Jaranilla is excited to have a love team
031616-ZiajanJaranilla_PUSH.jpgSeven years na sa showbiz si Zaijian Jaranilla. Taong 2009 nu’ng magsimula siyang umarte sa telebisyon bilang batang Vhong Navarro sa Betty La Fea hanggang magbida sa sa seryeng May Bukas Pa sa edad na 6.

Katatapos lang gampanan ni Zaijian ang role ng batang Xian Lim sa The Story of Us at dito nagkaroon ng idea ang ABS-CBN na i-launch ang love team nila ni Alyanna Angeles (gumanap naman bilang young Kim Chiu) sa isang teleserye.

“Nagkasama na po kami ni Alyanna sa Ikaw Lamang. Siya rin po yung batang Kim Chiu don. Second time na namin po ito,” balita pa niya sa amin.

Eh, ano ba ang feeling na magkakaroon na siya ng ka-love team tapos bibigyan pa sila ng sariling show?

“Siyempre sobrang saya po. Sobrang natutuwa ako at sobrang excited ako dahil binigyan na po agad nila kami ng show na magkasama po kami,” pahayag pa niya.

Nag-meeting na rin daw sila at kinausap na ng management tungkol sa project. Pero hindi pa raw niya puwedeng sabihin kung ano ang istorya ng gagawin nilang series.

Ayon pa sa binatilyo, matagal na niyang kilala si Alyanna kaya ganu’n din kadali para sa kanya ang makatrabaho ito.

“Hindi pa po kami nagkakatrabaho sa Ikaw Lamang magkakilala na po talaga kami. Nagkikita-kita po kami sa mga events po. Minsan sa workshops po ng Star Magic nagkikita rin po kami,” sey pa niya.

Hindi naman itinanggi ni Zaijian na meron siyang crush ngayon, pero hindi raw ang ka-love team niyang si Alyanna.

 “Meron po, pero schoolmate ko po,” kinikilig niyang kuwento. “Pero hindi po niya alam na crush ko siya,” dagdag pa niya.

Wala raw kasi siyang naka-crush-an sa showbiz.

 “Hindi ko po alam pero ... ay nagkaroon po pala ako ng crush before pero isang beses lang po yon. Pero halos lahat po ng crush ko ay non-showbiz po.

“Mas gusto ko po kasi yung mga non-showbiz kasi simple lang sila at tahimik,” rason pa ni Zaijian.