• Home
  • Fresh Scoops
  • Darren describes Carmina Villaroel’s daughter as ‘very cool.’

Darren Espanto shares story of his and Cassy Legaspi’s first meeting

Darren describes Carmina Villaroel’s daughter as ‘very cool.’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/17/2016 12:52 AM
Darren Espanto shares story of his and Cassy Legaspi’s first meeting
031616-CassyDarren_PUSH.jpgPinag-usapan ang  unang pagme-meet nina Darren Espanto at Cassy Legaspi sa social media. Ito ang first picture nila na magkasama at unang pagkakataon na magkakilala ng personal. Matagal ng request ng fans ni Darren at Cassy na sana ay magkita ang dalawa at sa posibilidad na magka trabaho sila. 
Ikinuwento ni Darren ang mga naganap sa una nilang pagkikita ni Cassy at bago pa man i-post ang first picture nila na magkasama.

"Bago po namin i-post yun actually we were talking about the fans kung paano sila magre-react tapos yun nga po we just saw our tagged photos puro picture namin," kwento ng batang singer. 

Hindi naman itinatago ni Darren na crush niya si Cassy kayat todo smile ito habang dini-describe ang anak na babae nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

"She’s very cool and she’s a chill person. She’s fun to talk to as well. Actually may group chat po kami ni Mavy at Cassy ayun po," dagdag pa ni Darren.  

Nagbiro pa nga daw si Mavy na siyang kumuha ng picture nila na magkasama.

"Sabi niya nga po ginawa niyo pa ako photographer. Sabi niya it was fun meeting with Cassy," pagtatapos ni Darren.