Mark Neumann on his video scandal: ‘It’s a human error’

Mark Neumann talks about his video scandal.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/16/2016 12:49 AM
Mark Neumann on his video scandal: ‘It’s a human error’
031516-MarkNeumann_PUSH.jpgPangalawa na si Mark Neumann sa umamin na sa kanya ang kumakalat at naging viral na video sa social media ilang linggo na ang nakakaraan. Unang umamin sa same sitwasyon noon ay ang singer na si Michael Pangilinan.

Puro pa-blind item lang ang nababasa tungkol sa video scandal ni Mark until finally, he broke his silence at nagsalita na rin about the video.

Sabi ng binata, “All I can say is it’s a human error. I was young, I did my mistakes and I learn from them.”

Wala na rin daw siyang magagawa sa nangyari dahil tapos na ito. Hindi rin daw alam ng young actor kung paano kumalat ang video at walang pahintulot ang pag-a-upload nito sa internet.

Since ‘yung technology natin ngayon, it spreads so fast, there’s nothing we can do about it,” sey pa niya.

“All I can do for the person who did it to me without my consent, not knowing anything, parang si Lord na ang bahala sa iyo,” katwiran pa ni Mark.

Gusto na ring mag-move on ni Mark sa nangyari. Alam din daw niya na hindi naman makakasira sa career niya ang naturang pangyayari.

“What I can do now is strive to be a better person and move on,” pahayag pa ng gwapong binata.

“Siguro naman po wala namang magiging epekto sa akin yung video. I’m positive about it. Let’s just move on,” dagdag pa niya.

Samantala, ipinapareha ng Viva at TV5 si Mark kay Shy Carlos. First time na nagsama ang dalawa sa project na Tasya Fantasya.

Sa tanong kung puwede rin ba silang ma-in love sa isa’t isa tulad ng nangyari kina James Reid at Nadine Lustre, natawa si Mark.

“I like her eyes, but it’s quite early to say it now, ang aga pa. We just started this, so we just see how it goes, time can tell, right?” katwiran pa niya.