• Home
  • Fresh Scoops
  • It’s Showtime’s Pogay first runner up Christian Laxamana to represent PH in 2016 Mr. Gay World.

It’s Showtime’s I’m Pogay first runner up to represent PH in 2016 Mr. Gay World

It’s Showtime’s Pogay first runner up Christian Laxamana to represent PH in 2016 Mr. Gay World.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/15/2016 10:05 AM
It’s Showtime’s I’m Pogay first runner up to represent PH in 2016 Mr. Gay World
031516-MrGayWolrd_PUSH.jpgIpinakilala sa entertainment media ang 30-year-old na si Christian Laxamana na magiging representative ng Pilipinas sa magaganap na 2016 Mr. Gay World sa bansang Malta ngayong April.

Bago sumabak sa kanyang unang international pageant, unang napanood si Christian sa I’m Pogay contest ng It’s Showtime at nanalo siya bilang first runner up.

Isang public school teacher sa Pampanga si Christian na pinili niyang maging trabaho dahil marami siyang kabataan na natutulungan. "Noong una po sa private school ako nagtuturo pero nitong nakaraang school year nag-transfer na ako ng pagtuturo sa public school kung saan mas kailangan ang teachers na gaya ko."

Dalawang taon ng single by choice si Christian at di niya naman nililihim na may matindi siyang paghanga kay Piolo Pascual. Sa ngayon puspusan na ang training ni Christian para sa competition. "Sa ngayon thirty plus ang mga makakalaban natin mula sa iba-ibang bansa. Basta gagawin natin ang lahat para makuha ang korona na first time masusungkit ng Pilipinas kung saka sakali."

Ang namayapang nanay ni Christian ang kanyang magiging inspirasyon sa kanyang laban. Pressured siya at ‘di daw ito maiaalis sa kanya pero positibo siya sa kalalabasan ng kanyang journey sa 2016 Mr. Gay World.