• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Loyzaga and his friends allegedly beat up two brothers in Taguig.

Diego Loyzaga accused of beating up a pair of brothers

Diego Loyzaga and his friends allegedly beat up two brothers in Taguig.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/16/2016 12:50 AM
Diego Loyzaga accused of beating up a pair of brothers
031516-DiegoLoyzaga_PUSH.jpgSa ulat ni Ginger Conejero para sa Bandila, Linggo ng madaling araw, March 13, nang magpa-blotter sa Taguig Police Community Precinct ang magkapatid na Wilmer Angelo Lopez at Wilmer Paolo Lopez dahil diumano sa pambubugbog ni Kapamilya actor Diego Loyzaga at mga kasama nito. 

Nangyari diumano ang gulo mga 4:30 am nang nasabing araw sa The Pool Palace sa Taguig.

Ayon sa hepe ng Taguig na si Hazel Dionisio tungkol sa salaysay ng Lopez brothers, “Medyo marami yung bumugbog sa kanila at yun nga ang kilala lang nila dun sa grupo na bumugbog sa kanila is Mr. Diego Loyzaga.”

Sa kuwento ng Lopez brothers, hinahanap ni Diego sa kanila ang sinasabing nakainitan ng kanilang grupo. Nang sabihin ng isa sa kanilla na hindi niya kilala, nag-init na diumano ang ulo ni Diego at siya pa mismo ang nag-utos sa kaibigan na suntukin ang isa sa Lopez brothers. Tinamaan sa ulo si Paolo at na-knockout agad ito.


Matapos nito, pinagsisipa diumano ng humigit-kumulang sampung lalaki ang walang malay na si Paolo. Tatlo o apat naman ang kaaway ni Angelo mula sa grupo ni Diego bago tumakbo ang mga ito.

Agad dinala sa ospital ang Lopez brothers at nagpa-medico legal na rin ang mga ito.

Ayon naman sa The Pool Palace, sa labas ng establishment nangyari ang gulo.