Aiko Melendez on possible reconciliation with Jomari Yllana: ‘Ayoko pangunahan’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/15/2016 02:06 AM
Aiko Melendez on possible reconciliation with Jomari Yllana: ‘Ayoko pangunahan’
031416-aiko_main.jpgRamdam pa rin ni Aiko Melendez na marami pa rin ang kinikilig na makita silang magkasama ni Jomari Yllana  kahit matagal na silang hiwalay.

“I think so, kasi  nu’ng nag-campaign ako sa kanya, tatakbo kasi siyang councillor sa Paranaque, kinikilig sila. Parang sabi, ‘Ha, kayo na?’ Tapos ini-introduce pa niya ako as asawa ko. Sabi ko talag, ‘Ha, since when?’” kuwento ng aktres nang makausap namin siya after ng presscon ng The Story of Us.

Eh, siya ba kinikilig  pa rin kay Jomari?

 “Masaya ako kasi para mapunta kami sa estado ng relasyon namin ni Jomari na ganito, it takes a lot of maturity. So mas gusto ko yung walang hassle, kaya nga ayaw naming lagyan ng kung anuman yung ano, eh, ayaw naming pangunahan ang Diyos.

“Gusto na lang namin na ang Diyos na lang ang magsabi kung anong para sa amin.” Pahayag pa niya.

Ayon sa aktres, nakita rin niyang mas nag-mature talaga si Jomari ngayon kumpara noong magkarelasyon pa sila.

 “Nung kami ‘y mag-asawa pa, meron kaming mga things na hindi namin masabi sa isa’t isa. Yung parang naiirita kami pareho. Ngayon, mas open kami. Nasasabi na namin yung gusto naming sabihin. Kaya ayaw naming sirain yon.

 “Kasi pag nagpunta na naman kami sa estado na mag-asawa kami dati, baka hindi na naman namin magawa ito. Kinokondisyon namin yung sarili namin ngayon na kung anuman ang mangyari sa amin in the future, dapat ganito na lang yung relasyon namin.

 “Mas responsible din siya ngayon. Ite-text ko yan na ‘Uy, ano ka ba, mag-send ka ng baon sa anak mo, paubos na, hindi pa ako sumusweldo...’ yung ganun na kami ka-open. Eh, dati hindi ko yon magawa sa kanya.

 “Eh, yon pala, If there’s one person na mas dapat maging  open ka, sa kanya (Jomari) talaga.,” kuwento ng aktres.

Masaya rin daw ang anak nilang si Andre sa closeness nila ngayon ng ex-husband.

“Siyempre, masaya yung bata lalo na si Martina. Si Martina kasi love na love niya si Jomari. Dada ang tawag niya don, eh. Basta masaya sila,” sey pa niya.

Pagdating naman  sa chance ng posibleng balikan nila ni Jom, may naging pahayag dn ang aktres.

“I do not know now. Sabi ko nga, ayokong pangunahan. Basta kami, kung  kami, kami. Pero kung hindi, mas may nakalaan pareho sa amin. And I think, yon ang mas nakakabuti kaya ayokong unahan.

“Yung kilig kasi physically, on a different level, eh. Hindi ko naman kasi siya puwedeng pagnasaan kasi magkakaroon naman ako ng kasalanan, di  ba? Nag-a-outing nga kami, pero walang nangyayari sa amin.

“Masaya na kami na we know na pag may nangyari sa isa’t isa, we have each other. Sabiko nga kay Andre, ‘Anak ayaw kong pilitin, eh. Huwag mong pilitin ang tatay mo.’ Kasi pag pinilit at gusto lang ng nakakarami, masisira lang.

“Ang alam ko si Jom, may dini-date pa rin ngayon. So I mean, andon ako sa point na ‘Ah, okay, hindi na ako yung nasasaktan. Pero kung nangyari yon dati, Dyusko, World War II ito,” pagtatapat ni Aiko.