• Home
  • Fresh Scoops
  • Donna also answers if she will also be making an acting comeback.

Will Donna Cruz allow her children to enter showbiz?

Donna also answers if she will also be making an acting comeback.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/14/2016 12:06 AM
Will Donna Cruz allow her children to enter showbiz?
031416-donna_main.jpgSa album launch ng nagbabalik na si Donna Cruz, muli niyang ipinamalas ang walang kupas niyang talent sa pagkanta. Nagbigay ng dalawang sample songs si Donna mula sa kanyang Now and Forever album under Star Music. Kinanta ni Donna ang mga single niyang "A Love to Last" at "Langit ang Pag-ibig."
 
Sa question and answer kasama ng showbiz media, naitanong kay Donna kung may interes na ba ang kanyang mga anak na pasukin na rin ang mundo ng showbiz. Napangiti si Donna bago sumagot.

"Sa ngayon po ang nakikitaan ko ng interest yung bunso kong si Gio. Talagang overflowing siya with confidence at mahilig din siya kumanta, pero sa ngayon po pag-aaral muna sana kasi first honor siya sa school," sabi ni Donna. 

Sa pagbabalik na ito ni Donna sa showbiz na higit isang dekada niyang na miss, babalikan na rin ba niya ang pag-arte. kung saan nakagawa rin siya ng mga pelikula at teleserye noon.

"Singing lang po muna ngayon baka mag-react na ang asawa at mga anak ko niyan (laughs). Pero nakakatuwa po na hanggang ngayon di pa rin nakakalimutan ang mga ginawa ko noon na kanta at mga pelikula," sambit ng singer. 

Malaking honor din para sa original multimedia star na marinig ang revivals ng kanyang mga singles noon at pati daw ang generation ng kanyang mga anak ay naa-appreciate ito.