• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina Raymundo says that she and her husband have an active sex life.

EXCLUSIVE: Ina Raymundo says having a very active sex life is very important

Ina Raymundo says that she and her husband have an active sex life.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/12/2016 08:18 AM
EXCLUSIVE: Ina Raymundo says having a very active sex life is very important
031216-ina_main.jpgWorried si Ina Raymuno sa mga kasamahan niya sa showbiz dahil sa pagkamatay ng dalawang director sa kanilang batang edad.

Ito agad ang bungad ni Ina nang makausap siya n gPush.com.ph sa press launch ng The Millionaire’s Wife na bagong teleseye ng GMA-7 kung saan kasama siya.

“Kasi health is wealth lalo na sa mga kasama ko sa trabaho, di ba? Trabaho ka nang trabaho tapos mate-tegi (tigok) ka rin naman agad.

“Kaya ako, I’ve always been an advocate ng healthy lifestyle. Like yung mga kaibigan ko pag nakikita ko sa snapshot nila na panay ang inom, panay ang gimik, mini-message ko talaga sila. ‘Hey, you’re drinking so much, I’m worried about you.’

“Ganu’n ako. Para akong mommy na nagre-remind sa kanila. Ha-ha-ha. Kasi siyempre, I don’t want anyone to die, di ba,” pahayag ni Ina.

Eh, paano ba naman niya iniingatan ang kanyang sarili?

“Ako, I eat well. Pag taping lagi akong nagna-nap pag wala akong eksena. I exercise also. So, yung heart ko...  pag nga na-feel ko na hinihingal na ako, workout na yan. Yung pag-akyat mo ng hagdan na hinihinga ka sign na yan na weak na ang heart kaya kailangan ng exercise.

“Kaya nga lagi akong nagpo-post ng ganun (exercise), eh. Lagi kong ini-encourage na mag-exercise sila.”

Naniniwala din si Ina na ang sex o pakikipagtalik ay isa ring paraan ng exercise if not the best  form of exercise.

“Oh, yeah. Of course. Kaya nga lima ang anak ko, eh. Hahaha! Lagi kaming nag-i-exercise ng partner ko. Bakit naging lima yung anak ko kung walang ganun, di ba?” natatawa niyang pag-amin.

Being a former sexy actress, natawa si Ina nang tanungin namin siya kung lapitin ba siya noon ng mga DOM.

“Wala namang masyadong ganu’n. Hahaha! Parang kadiri kasi. At saka ayoko rin.

“Mas gusto ko yung maskulado, love talaga over money. Gusto ko lang talaga yung maganda ang katawan. Ayoko yung kulubot na kamay. Number one turn off talaga sa akin yon.

“One thing, sobrang into hands ako. I like beautiful hands sa lalaki at saka yung lalaking-lalaki siyempre. Kaya kapag may nakita na akong matanda na dry-dry na yung kamay, parang sobra yung respeto ko sa lolo ko... na hanggang ganu’n lang, lolo lang talaga ang tingin ko. Hindi ko ma-imagine na magkaroon ng  dyowa na ganu’n.

“Kahit bilyonaryo  ka  pa hindi ko talaga papatulan yon. .. yung masyonda (matanda). Parang pag pumatol ka sa DOM, nakakahiya. Gusto mo magtago na lang,” reaksyon pa niya.

Isa rin daw sa tinintingnan niya sa lalaki ang ay shoulder nito.

“Gusto ko yung malaking shoulder. Lahat yun –  magandang hands, malalaking shoulder – meron non ang asawa ko,” pagmamalaki pa nina.

Hanggang ngayon ba ay sexually active pa rin sila ng asawa niyagn si Brian Poturnak?

“Well, ano sa tingin mo? Sex is very important. Pero kami, normal lang naman, mga twice a week. Minsan two to three times a week. Talagang sinagot, eh. Hahaha!

“Actually, yon nga ang dinadahilan ko sa mga anak ko para mapalabas sila sa room namin. Sinasabi ko na may gagawin kami privately kaya umaalis naman agad sila,” kuwento pa niya.