• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Za Padilla talks about shooting scenes for ‘The Story of Us’ in New York.

Zsa Zsa Padilla admits she felt embarrassed while shooting ‘The Story of Us’ in New York

Zsa Za Padilla talks about shooting scenes for ‘The Story of Us’ in New York.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/12/2016 12:48 AM
Zsa Zsa Padilla admits she felt embarrassed while shooting ‘The Story of Us’ in New York
031116-ZsaZsaPadilla_PUSH.jpgWala pang plano si Zsa Zsa Padilla kung saan sila magho-Holy Week ng kasintahang si Architect Conrad Onglao. Baka raw kasi may taping siya ng The Story of Us on that day bukod pa sa marami rin siyang biyahe sa Amerika this year.

“Marami kasi akong trips, eh. May taping kami ulit sa New York pero hindi ko pa alam kung kasama ako. Kasi ang kinukunan namin don, eh, yung mga kasama naming artista na base sa Amerika plus yung mga exterior. So, hindi ko pa alam.

“I’m going to go to L.A. in two weeks. Then I have some shows kasi in New York din and San Francisco. And then ASAP is going to be in New York din in September 3, matutuloy na yon. Medyo marami akong trip sa US this year,” kuwento ni Zsa Zsa sa Push.com.ph.

Ayon pa kay Zsa Zsa, pupunta din ang anak niyang si Karylle sa Amerika.

“Normally kasi, we have family trips, eh. Pinaplano ko kasi supposedly July, but I don’t know if everyone’s going to be free.”

Ibinahagi rin ng aktres ang mga memorable experiences niya habang nagti-taping ng The Story of Us sa New York.

“Yung unang shot ng New York, makikitang mong naglalakad ako nang mahaba tapos bigla akong hahagulgol sa gitna ng kalye, ganun. Sobrang lamig actually.

“Siyempre umaarte ako na sanay ako sa New York di ba, pero parang nangangatog ako, so medyo nanibago ako nung una. Feeling ko... iba yung pakiramdam.

“Ako kasi mostly sa Queens, sa harap ng bahay namin. Nakakatuwa yung nasa gitna kami ng Manhattan ni Kim (chiu), bitbit namin yung mga maleta tapos ang bilis-bilis kong magsalita kasi very New Yorker nga ako di ba, mabilis akong kumilos.

“Tapos para akong tanga, kasi si Kim ang character niya nahuhuli, so nung naglalakad ako, may ibang mga tumitingin sa akin. Parang tinatamaan ako ng konting hiya. Sabi ko, ‘Teka, ba’t ba ako mahihiya, eh, New York ito, sanay naman ang mga tao dito.’

“So paulit ulit naming ginagawa tapos may dumaan na mama na salita nang salita. Sabi na nga ba, eh, hindi ako nag-iisa, eh. So talagang na-confirm ko na hindi ako dapat mahiya, hindi ba?” dire-diretso niyang kuwento na natatawa.

Samantala, bukod kina Kim at Zsa Zsa, bida rin sa The Story of Us si Xian Lim. The hit series is under the direction of Richard Somes.