• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sid Lucero on his house being on fire: ‘I was so scared’

EXCLUSIVE: Sid Lucero on his house being on fire: ‘I was so scared’

Sid Lucero reveals what happened when there was a fire in his house last December.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/11/2016 12:47 AM
EXCLUSIVE: Sid Lucero on his house being on fire: ‘I was so scared’


031016-SidLucero_PUSH.jpgWalang nakakaalam sa showbiz na nasunugan ang magaling na aktor na si Sid Lucero bago mag-Pasko last year. Sa interbyu ng Push.com.ph sa aktor during the presscon of GMA TV series na My Millionaire’s Wife ay nagulat siya kung bakit alam namin ang tungkol dito.

“How did you know that? Wala akong pinagsasabihan non kasi nakakahiya,” tanong niya sa amin.

During our conversation, naikuwento na rin ni Sid kung ano ang dahilan ng pagkasunog ng kanyang bahay sa Merville Subdivision in Paranaque.

“At first, akala namin it’s electrical, but then nakita nung fire investigator when they ask me if I’m smoking and I say yes, so hindi ko raw ba naiwan sa couch?

“And then when we look through the remains of the couch, we found the lighter that I used. Sa tingin ko, hindi naisara yung lighter,” kuwento ng aktor.

Pansamantala munang lumipat si Sid sa house ng mommy niya pagkatapos masunugan.

“When the fire happened at nasunog yung isang room and because of the repairs I had to go to my mom’s house. And then yon, siya yung nag-aalaga sa amin.”

Kasama ni Sid sa bahay ang dalawang aso, tatlong pusa, maid at driver nang mangyari ang sunog.

 “Hindi namin alam, eh. Nasa second floor kami. I actually ran down the stair butt naked. Tapos sigaw ako ng ‘Sunog!’ Half-naked ako kasi maliligo pa lang ako no’n, eh.”

Ayon pa kay Sid, matinding takot ang naramdaman niya dahil sa nangyari.

“Nakakatakot siya. Pagbukas ko ng CR ko, sobrang dilim ng second floor akala ko nga brownout. Siyempre, nu’ng mag-register sa akin na fire siya, akala ko na I can hold my breath, ganyan-ganyan, pero hindi talaga.

“As in your heart is beating so fast and then you hold your breath na... I know I can hold my breath for a minute, but because my heart is beating so fast yung inhale mo sobrang bitin.

“Tapos tinry naming kumuha ng tubig, wala talaga, eh.

“I got scared. As in inisip ko na... mamamatay ka talaga. My gosh, yung smoke alone will kill you. I was so scared pero... Lahat nga ng trophies ko nasunog din, eh.”

Ano naman ang natutunan niya sa nangyari?

“No more smoking in the house. Buti nga wala don ang baby ko. Andon siya sa house ng mom ko. Ngayon, wala nang nag-i-smoke sa bahay ko.

“Sobrang nakakapraning talaga yung nangyari. Minsan nga nakakaamoy ako ng fire. Like in the car, parang may gomang nasusunog. Feeling ko talaga na-trauma ako.”

Naikuwento rin sa amin ni  Sid na nakabalik na siya sa bahay noong March 8 dahil tapos nang ayusin ang mga nasira dito.