• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes stands firm on her statement that she didn’t ask for Vivian Velez to leave their dressing room.

Cristine Reyes to Vivian Velez: “We all know the truth, it’s all lies”

Cristine Reyes stands firm on her statement that she didn’t ask for Vivian Velez to leave their dressing room.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

03/12/2016 12:52 AM
Cristine Reyes to Vivian Velez: “We all know the truth, it’s all lies”
031116-CristineReyes_PUSH.jpgUna nang nadawit ang pangalan ni Cristine Reyes na bida sa seryeng “Tubig at Langis” kasama sina Zanjoe Marudo at Isabelle Daza nang maghain ng resignation ang beteranang aktres na si Vivian Velez dahil siya umano ay pinahiya ni Cristine at pilit na pinaalis sa kanilang dressing room.

Read: Vivian Velez on issue with Cristine Reyes: ‘yun lang konting respeto’

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang production team ng serye at inaako nila ang “misunderstanding” na nangyari sa dalawang aktres.

Hindi totoong pinaalis ni Cristine si Vivian sa dressing room. Nagkaroon lamang ng miscommunication at inaako ng production team ang responsibilidad dito,” sabi sa pahayag ng production team.

Read: “Tubig at Langis” team releases statement on Cristine Reyes-Vivian Velez issue

Matapos ang ilang araw na pananahimik, naglabas rin ng statement si Cristine under Viva Entertainment Inc. na siyang humahawak sa career ng aktres tungkol sa isyung kinasasangkutan niya at mariin niyang itinanggi na pinaalis niya si Vivian sa kanilang dressing room.

Read: Cristine Reyes releases statement regarding Vivian Velez’ resignation

Nang makapanayam ng ABS-CBN news reporter Ginger Conejero si Cristine, sinabi ng aktres na hindi totoo ang mga paratang ng beteranang aktres laban sa kanya.

“Regarding the issue na nagpaalis ako sa dressing room lilinawin ko lang po na wala akong pinapaalis na kahit sino sa dressing room, kahit sino kasama ko never ko ho ‘yun gagawin. And gusto ko rin linawin ‘yung resignation niya sa show because of me was a big lie because she found out already that papatayin ‘yung character niya sa soap namin naTubig at Langis’,” pahayag ni Cristine.

“Why? Because everybody was complaining about her especially the production staff so it saddens me that I’m being used in this particular situation of her graceful exit. Sana if ever na mag settle na lahat ng emotions niya maisip niya at ma-realize niya that we all know the truth and it’s all lies,” dagdag pa ng aktres.