• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina claims that sister Cristine Reyes is a changed woman.

EXCLUSIVE: Ara Mina on Cristine Reyes: ‘Wala na bang karapatang magbago ang isang tao?’

Ara Mina claims that sister Cristine Reyes is a changed woman.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/11/2016 12:52 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina on Cristine Reyes: ‘Wala na bang karapatang magbago ang isang tao?’
031016-AraMina_PUSH.jpgNalungkot si Ara Mina para sa kapatid niyang si Cristine Reyes dahil marami pa rin ang hindi naniniwala na nagbago na ito ng ugali.

Bilang kapatid, apektado rin daw siya sa mga nababasang pamba-bash kay Cristine.

“Wala na bang karapatang magbago ang isang tao? Noon siguro, sabihin na natin na medyo pasaway si AA (palayaw ni Cristine), pero nu’ng nagkapamilya siya at dumating sa kanya si Amara, malaki talaga ang pinagbago niya,” pagbabahagi ni Ara sa Push.com.ph.

“Bigyan naman sana natin ng pagkakataon yung tao na ipakita yung pagbabago niya. Kasi ibang-iba na talaga siya ngayon compared before,” depensa pa niya sa kapatid.

Ayon pa sa kanya, importante daw kay Cristie na binibigyan siya ng trabaho ng ABS-CBN dahil malaking tulong ito para sa future ni Amara.

“Kapag nanay ka na, willing kang i-sacrifice lahat, handa kang ibaba ang pride mo at gagawin mo ang lahat para sa anak mo. Yon ang nakita ko sa kanya (AA). She really works hard for Amara,” sey pa ng aktres.

Nakahinga naman nang maluwag si Ara nang maglabas ng official statement ang production team ng Tubig At Langis tungkol sa isyu.

“Kasi kung hindi sila nag-isyu ng statement, iisipin pa rin ng tao na ganu’n talaga si AA, na maldita siya. At least, natapos na rin, di ba? Nagsalita na rin siya kaya sa tingin ko okey na lahat,” sabi ulit niya.

When asked kung may na-encounter na rin ba siyang bastos at walang respetong artista habang nagti-taping siya o nagsusyuting, ang sagot niya, “Oo naman.”

“Hindi ko naman ini-expect na batiin niya ako or bumeso siya sa akin, pero sana man lang, kinikilala din niya yung kasama niya sa set, hindi yung parang kung sino siyang sikat kung umasta, eh, baguhan lang naman siya.

“Pero yung ibang baguhan, marespeto naman sila. Minsan nga kung sino pa yung mga sikat at may pangalan, sila pa yung marespeto, eh,” sey pa niya.