• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz says the cases filed against Cesar Montano are already being appealed.

Sunshine Cruz on Cesar Montano’s new child: ‘It’s none of my business’

Sunshine Cruz says the cases filed against Cesar Montano are already being appealed.

Sunshine Cruz on Cesar Montano’s new child: ‘It’s none of my business’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/10/2016 02:07 AM
Sunshine Cruz on Cesar Montano’s new child: ‘It’s none of my business’
020916-sunshine_main.jpgIbinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang mga reklamo ni Sunshine Cruz na Child Abuse (R.A. 7610) at Anti-Violence Against Women and Children (R.A. 9262) laban sa dati niyang asawang aktor na si Cesar Montano.

Lumabas ang desisyon nu’ng mismong araw ng presscon ng pinakabagong TV series ng ABS-CBN na Dolce Amore kung saan isa si Sunshine sa cast. Ang Dolce Amore ay pinagbibidahan nina Enrique Gil, Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Cherrie Gil, Rio Locsin, at Edgar Mortiz sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Ayon kay Sunshine, hindi na niya ikinagulat ang naging desisyon ng korte. Two weeks ago pa lang daw ay nabalitaan na niya ang tungkol dito.

“We’ve known it two or three weeks ago kaya nga it’s just surprising na kung kelan mayroong presscon ng Dolce Amore, doon lumabas ’yung issue about it,” kuwento ng aktres.

Hangga’t maaari ay ayaw na sana niya itong pag-usapan kaya lang, hiningan pa rin siya ng entertainment press ng reaksyon sa isyu.

“It’s really hard sometimes to hide your emotions, especially me, I am a very transparent person ever since. I don’t deny things. Sabi ko nga, pambihira naman, ang tagal ko na ngang hindi naka-attend ng presscon. The last time I attended a presscon was Dugong Buhay, so, I just wanted to be happy.

 “Kasi, ’di ba, ’pag child abuse case, it’s really impossible to be junked? Parang it’s something na... of course, dapat pina-prioritize ’yun, eh. So, whatever it is, nandiyan naman ang lawyer ko to fix everything, eh,” katwiran pa niya.

Balak ba niyang iapela ang kaso?

“Yes, nakaapela na,” sagot niya.

Tinanong na rin si Sunshine kung ano ang masasabi niya sa lumalabas na balitang may bagong anak si Cesasr sa ibang babae.

Ayon sa kanya, “It’s none of my business.”

“Alam n’yo, sa totoo lang, kahit ano pa ang maging issue sa kanya, it doesn’t matter anymore, it’s none of my business, buhay na niya ’yan.
 
“We’ve been separated for three years and ang akin lang, sana, cooperation na lang sa mga case. ’Yun na lang naman, eh, ’yun na lang talaga. And I just hope he’ll exert more effort sa kids,” pahayag pa niya.

Eh, kumusta naman ang annulment case nila ng dating asawa?

“Two years nang naka-file, tinatrabaho ko, I’ve been spending a lot for it because I know and I believe, I deserve freedom, and he also deserves freedom. Para maging masaya na, bago man lang ako mag-40, maging malaya na ako from all of this,” sagot ng sexy actress.