• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon says he and Ellen Adarna are better off as friends.

Ejay Falcon reveals how he made up with Ellen Adarna

Ejay Falcon says he and Ellen Adarna are better off as friends.

Ejay Falcon reveals how he made up with Ellen Adarna-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/06/2016 07:49 AM
Ejay Falcon reveals how he made up with Ellen Adarna
020616-EJAY2.jpgNaikuwento ni Ejay Falcon kung paano sila nagkabati at paano naging okay ulit ang relasyon nila ng co-star niyang si Ellen Adarna sa Pasion de Amor. Matatandaang nagkaroon ng gap ang dalawa simula nu’ng manligaw ang aktor sa sexy star.

“Parang panahon na lang yung nagsabi na maging okay kami. Bigla na lang, uy nagtatawanan na kami sa set. Hindi namin napag-usapan na ‘sorry, sorry.’ Kasi si Ellen ayaw niya ng ganun (madrama), eh.”

“Ayaw niya na parang seryosong masyado yung usapan, may ganun siya, eh. Pero parang ako, sa text yata nasabi ko yon, nag-sorry ata ako,” pahayag ng aktor nang makausap siya ng Push.com.ph.

Pagkatapos ng mga nangyari, na-realize daw niya na mas okay na friends na lang sila ni Ellen.

“Sa tingin ko mas okay na friends na lang talaga kami, mas masarap yung trabaho pag ganu’n kami kasi hindi kami naiilang sa isa’t isa. At ang importante ngayon, okay na okay kami,” pagmamalaki pa ng aktor.

Masaya si Ejay na unti-unti nang napapansin ang kakayanan niya bilang actor lalo na sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan gumanap siya bilang isa sa miyembro ng SAF 44 at sa latest teleserye niyang Pasion de Amor.

“Nagpapasalamat ako na ganun, napapansin nila ang acting ko. Bilang artista kasi, pangarap talaga namin na magkaroon ng ganu’ng achievement di ba, na ma-recognize yung ginawa namin,” naka-smile niyang reaksyon.

Hindi naman naitago ng aktor kung gaano niya kamahal sina Jake Cuenca at Joseph Marco na mga kapatid niya sa Pasion de Amor.

“Sabi ko nga sa kanila, ‘Alam n’yo, ngayon ko lang sasabihin ito, sobrang mahal na mahal ko kayo.’ Hindi naman ako bading pero mahal na mahal ko talaga sila.

“Kasi pagnatapos na yung show, hindi na kami magkikita tuwing umaga sa set, everyday kaming magkasama, Yung taping kasi, parang yon na rin yung bonding naming mga Samonte brothers, eh.

“Alam ko naman na after ng show magkikita-kita pa rin kami. Tuloy pa rin naman yung magandng samahan namin, kasi para na talaga kaming magkapatid, ganu’n na yung relasyon namin,” emosyonal na sabi ni Ejay.

Samantala, naibalita rin ni Ejay na posible daw silang magsama sa isang pelikula nina Jake at Joseph pero hindi pa siya nagbigay ng ibang detalye tungkol dito dahil hindi pa naman daw plantsado ang lahat.

“Sana matuloy, sana kaming tatlo pa rin ang magkakasama,” pagtatapos ng guwapong aktor.