• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice described the director as a kind and very generous person.

Vice Ganda on Wenn Deramas’ death: ‘Nawalan ako ng kaibigan, para akong nawalan ng pakpak’

Vice described the director as a kind and very generous person.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/29/2016 08:00 PM
Vice Ganda on Wenn Deramas’ death: ‘Nawalan ako ng kaibigan, para akong nawalan ng pakpak’
022916-ViceGanda_PUSH.jpgUmiiyak at malat ang boses ni Vice Ganda nang magpa-interview sa Push.com.ph tungkol sa biglaang pamamaalam ni Direk Wenn Deramas. Isa si Vice sa pinaka malalapit na kaibigan ni Direk Wenn at lahat ng mga pelikulang pinagbidahan ni Vice ay pinamunuan ni Direk Wenn.

Natatandaan pa ni Vice ng unang magkausap sila ni Direk Wenn na bibigyan siya nito ng break sa pelikula.

"Sa pelikulang ‘Apat Dapat, Dapat Apat’ niya ako una binigyan ng break. Natatandaan ko noon first day ng shooting namin binigyan niya ako ng script na walang laman na papel. Tinanong ko siya bakit walang laman, sabi niya ako magsasabi ng eksena sa iyo, ikaw na bahala," paglalahad ni Vice. 

Mabait at very generous ang naging description ni Vice kay Direk Wenn sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Hindi makakalimutan ni Vice ang natutunan niya sa namayapang direktor.

"Huwag maging maramot. Iyung magbibigay ka ng chance sa iba para mag-shine sila. Yan yung ginawa niya sa akin at hindi ko yan makakalimutan," kwento ni Vice.

At ngayong pumanaw na nga ang namahala ng mga pelikula ni Vice, hindi niya alam kung ano na ang kanyang mga plano.

"Sobrang nalulungkot ako. Nawalan ako ng kaibigan, feeling ko nawalan ako ng pakpak hindi ko alam kung ano ang gagawin sa ngayon dahil sa nangyari," sabi ni Vice. 

Isa si Vice sa mga unang dumating sa ospital nang mabalitaan na inatake sa puso si Direk Wenn Deramas. Nakaburol ngayon si Direk Wenn sa Arlington Chapels sa Araneta Avenue.