Nikki Reed wears Francis Libiran at the Oscars

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/29/2016 05:49 PM
Nikki Reed wears Francis Libiran at the Oscars
022916-Francis2_POD.jpg

Gaya ng inaasahan, trending at usap usapan ang mga naganap sa katatapos lang na 2016 Academy Awards na mas kilala sa tawag na Oscars. Inaabangan ito taon taon dahil bukod sa mga mananalo sa major categories, nilu-look forward din ng lahat ng fashion sa red carpet bago pumasok ang mga personalidad sa venue. At ngayong taon, proud tayong mga Pinoy dahil suot ng aktres na si Nikki Reed, na bida ng TV show na Sleepy Hollow, ang creation ng fashion designer na si Francis Libiran.

Sa Instagram account ni Libiran, hindi maitago ang saya at pride niya na nakikita ng buong mundo ang kanyang likha.


Hindi na bago sa international scene si Francis na dalawang beses ng nai feature at naging bahagi ng sikat na fashion reality series na Americas Next Top Model.