Madonna surprises audience in her first Philippine concert

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/25/2016 11:02 AM
Madonna surprises audience in her first Philippine concert
022516-madonna_main.jpgPasado alas-onse na ng magsimula ang Rebel Heart concert ng Queen of Pop na si Madonna na naganap kagabi sa Mall of Asia Arena. Alas singko pa lang ng hapon nagpapasok na ng audience sa venue na sold out sa unang gabi nito. 

"Manila, are you with me?!"

Ito ang intro spiel ni Madonna matapos ang kanyang "Iconic" song opening number kaya't di napigilan ng Pinoy audience na mapasigaw.

Second song naman ang "Bitch I'm Madonna" at dito nagbigay patikim ang Reyna na wala pa rin siyang kupas pagdating sa hataw na dance moves at walang signs na 57 years old na siya. 

Bukod sa mga kanta mula sa kanyang Rebel Heart album, kinanta rin ni Madonna ang kanyang classic hits gaya ng "Like A Virgin," "Burning Up," "True Blue," "Material Girl," "Who's That Girl," "Holiday," at ang surprise song na "La Isla Bonita," kung saan tinanong niya muna ang audience kung anong kanta ang type nila i-request. Hindi inawit ni Madonna ang "Crazy For You" na request ng Madonna Pinoy Fans.

"I'm not gonna sing 'Crazy For You' not tonight maybe tomorrow," sabi ng singer. 

Sa mga celebrities, spotted sina Vice Ganda, Anne Curtis, Direk Wenn Deramas, John Lapus, Eula Valdes, The Company, Angel Jacob, Bianca Gonzalez at marami pang iba.

Mamayang gabi magaganap naman ang second night ng Rebel Heart Concert na magpapatuloy sa Singapore at Australia matapos ang Philippine leg nito. Ito na ang ika-sampung world tour ni Madonna.







022516-madonna1_main.jpg
Photo credit: Jasper Lucena of MMI Live

022516-madonna2_main.jpg
Photo credit: Jasper Lucena of MMI Live

022516-madonna3_main.jpg
Photo credit: Jasper Lucena of MMI Live

022516-madonna4_main.jpg
Photo credit: Jasper Lucena of MMI Live

022516-madonna5_main.jpg
Photo credit: Jasper Lucena of MMI Live

022516-madonna6_main.jpg
Photo credit: Jasper Lucena of MMI Live

Mainphoto credit to rickyvillabona IG